Eksena after ng quiz sa FinAcc. Me: Tulaley. Nangers. Nagmumuni-muni kung pano ko itatama ang mga maling sagot sa quiz. Tapos humikab dahil sa sobrang antok kakareview sa Notes Receivable Financing. Yung hikab na may kasamang pagluha. Lam nyo naman yun diba? 😂 Nang biglang... Ma'am A: Miss Agustin, halika. (may kasamang hand gestures na pagtawag) Edi ako naman dali daling tumayo at pumunta kay ma'am. Take note humikab ako na may pagluhang ganap. Hahaha. Pinunasan ko muna luha bago ko umabot sa table ni ma'am. Tinanong nya ko kung kasama daw ba ko sa 1st batch ng BSA1Y. Tas may tinanong sya kung kilala ko daw ba si ganito ganyan. Kaklase ko daw ba si ganito sa Aud Prob. Sabi ko naman na Aud Theo palang ako. Madami syang kwento. And madaming tanong: Inexplain ba sa inyo na kelangan ulitin. Sino FinAcc1 at Tax ko dati. Kelan ako grumaduate. Basta madami. Sinasagot ko naman mga tanong nya. Yung mga tanong at kwento nya ay may kasamang mga ngiti at tawa. So ang light lang ng conversation namin. Tas nung matatapos na yung usapan namin, sinabi nya sakin, "Papasa ka naman ngayon. Osya, good luck sayo. Kaya mo yan." Pagbalik ko sa upuan ko, tinanong ako ng mga kaklase ko kung ano daw sabi ni maam. Sinabi ko nalang ung tungkol sa BSA1Y. All smiles ako sa isip ko. Kasi yung akala kong terror na prof ay super bait naman pala. Thank you Ma'am Agustin! Lalo akong nainspire mag aral nang mabuti para sa pangarap ko. P.S. Oo, Agustin kami pareho. Pero di kami magkamag-anak. 😂