Gaano kamahal?
Tinanong mo ako sa hindi ko na mabilang na pagkakataon ng tanong na "Mahal mo pa ba ako?" At sumagot ako ng "Mahal kita pero hindi na katulad ng dati." At tinanong mo na naman akong muli, "Gaano mo nalang ako kamahal?" At sinabi kong, "Enough para sabihin ko na kaya ko na, kaya ko ng maging masaya kahit wala ka, kaya ko ng puntahan ang mga pinupuntahan ntn dati ng mag-isa. Kaya ko ng gumising sa umaga na hindi hinahanap ang pangalan mo sa cellphone ko. Kaya ko ng ngumiti kesa ang umiyak kapag naalala ko ang mga masasayang pangyayari sa ating buhay. At enough para masabi ko sayo na masaya ako para sa inyong dalawa."












