Ang gago mo! Ang gago mo kasi hindi mo ako napapansin! Ang gago mo kasi hindi mo ako nakikita! Ang gago mo kasi kahit andito na ako sa harap mo e tang-ina, sa iba ka pa rin nakaharap! Ang gago mo kasi gusto kita pero hindi mo ako gusto! Ang gago mo kasi ang tagal kong umasa na baka sakaling makita at ma-appreciate mo rin ako! Ang gago mo kasi hindi mo sinusuklian ang pagtingin na ibinibigay ko sa iyo! Pero alam mo kung ano pa ang mas gago? Ako! Ang gago ko! Ang gago ko kasi tang-ina, alam ko namang walang pag-asa e umasa pa rin ako! Ang gago ko kasi pinagsisiksikan ko pa rin ang sarili ko sa iyo! Ang gago ko kasi kahit alam kong wala itong patutunguhan e patuloy pa rin ako! Amg gago ko kasi kahit alam ko naman na walang mangyayari e naghihintay pa rin ako! Tang-ina. Pareho naman tayong gago a, pero bakit hindi pa rin tayo bagay?