May mga tao na di talaga magiging masaya para sayo kahit anong gawin mo kahit mabuti pa yan. Siguro magiging masaya lang sila pagsinira mo sarili mo. Kahit pamilya mo yan. Kahit yung mga taong akala mo magiging masaya, pero hindi pala.
Di sila magiging masaya dahil sa ikaw yan. Kung sino magulang mo. Kung saan ka galing. Kung ano estado mo sa buhay. Anong puno syang bunga, ika nga nila. Di man sabihin, pero dyan namulat mga mata.
Magtanong ka, suwail ka na. Magtanong ka, sasaliwain ka. Magtanong ka, sinungaling ka. Magtanong ka "wala akong karapatan magsabi nyan, dun ka magtanong" (kahit sabi nya sinungaling yung taong yun).
Mismong magulang mo, mismong pamilya mo, mismong mga taong nagpalaki at nakita kung pano ka lumaki, huhusgahan ka nila. Mas mararamdaman mo yung ibang tao na masaya sila para sayo, proud sila sayo kahit gano pang kaliit yang hakbang na nagawa mo.
Gawin mo gusto nila, di sapat, "mali yan". Di mo gawin gusto nila at magkaron ng sariling disisyon, "mali yan, di dapat ganyan". Nakakapagod, sarap mawala sa mundo.
Hanggang sa dumating na lang sa punto na gigising ka, babangon, haharap sa mga tao at maghihintay na mawala na lang sa mundong ibabaw.
Pero bakit nga ba bumabango? Bakit pa lumalaban? Bakit ba pilit na nakikipagsapalaran?
May taong umaasa at nakasandal sayo, na sayo nakadepende.
Nakakapagod. Nakakasawa. Pero kailangan.














