#GoCavite #Cavite #Update Tinitignan ngayon ng Light Rail Manila Corporation ang posibilidad na maumpisahan ang operasyon sa LRT-1Cavite Extension Project sa taong 2024. "We are looking for Phase 1 to be in operation by mid or late 2024," ayon kay LRMC head for corporate communications Jacqueline Gorospe. Ibinahagi rin ng LRMC na ang 11.7 na kilometrong Phase 1 ng LRT-1 sa Cavite ay nasa 60% nang kumpleto, kung saan mayroon nang nakalagay na girder na sumasakop sa Dr. Santos Station sa hanggang Pacific Ave. malapit sa Asiaworld Station. Anila, nang sinimulan ito noong Setyembre 2019, matituturing ang rehabilitasyon na bahagyang nakukumpleto sa kabila ng limitasyon at pagsubok na naidudulot ng pandemiya sa kanilang konstruksyon. Gumagamit ang LRMC, katuwang ang Bouygues Travaux Publics ng espesiyal na engineering method na nagreresulta sa mabilis na pagkakabit ng mga kinakailangang materyales para sa nasabing imprastraktura at upang maiwasan rin ang trapiko. Kabilang sa mga aktibidad na isinagawa sa nasabing imprastraktura ang pagpapasinaya ng pi-girders sa above-ground launcher ng CAVITEX malapit sa Paranaque bridge. Inaasahang magpapatuloy ang pagkakabit ng pi-girders sa kahabaan ng Pacific Ave. na magreresulta rin sa pagsasara ng parehong northbound at soutbound carriageways mula Agosto 16 hanggang 19, dakong 10 P.M. hanggang 4 A.M. ng umaga. “The viaduct of LRT-1 extension is targeted to be completed by the end of December 2021, while the electro-mechanical works are set to begin in January 2022,” ayon sa LMRC. Sakop ng Phase 1 ang 7-kilometrong sukat ng 11-kilometrong LRT-1 Cavite Extension, kabilang ang Redemptorist Station, MIA Station, Asiaworld Station, Ninoy Aquino Station at Dr. Santos Station. Nakatakda namang mag-umpisa ng operasyon sa taong 2022 ang natitira pang istasyon sa pagitan ng Las Pinas at Niog. Source: Darwin G. Amojelar/MANILA STANDARD.net 📷 DOTr (at House and Lot Cavite Lancaster New City and Micara Estates by Bonnie & Jeam) https://www.instagram.com/p/CSj4D9ZB2ah/?utm_medium=tumblr










