Even I am with the soil that cradles my roots entrenched,
I long desire the light so much that I forgot I still walk with my feet on.
---random photog somewhere around Cavite---
seen from United States
seen from United States
seen from Hong Kong SAR China
seen from United States
seen from Switzerland
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from China

seen from United States
seen from China
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Argentina
seen from United States
seen from Italy
seen from United States
Even I am with the soil that cradles my roots entrenched,
I long desire the light so much that I forgot I still walk with my feet on.
---random photog somewhere around Cavite---
Artiodaktyl ( @artiodaktyl ) will be illustrating a group of queer besties hanging out (while organizing revolutions!) in the late 19th-century in Cavite, Philippines. Expect colonial-era fashion, with queer and trans friendship and love!
80vac Hangout & Coffee Shop Recommendations
1. Kura Cafe - General Trias, Cavite
Usual hangout spot namin ng friends ko. Malaki yung place. Di pricey yung drinks. Sa foods and pastry so far lahat ng triny ko sa menu nila masarap. I recommend their creamy carbonara. May free wifi voucher upon ordering. Open 24 hours.
2. rocafé - Dasmariñas City, Cavite
Mini coffee shop. Perfect for small groups and solo goers. Friendly lahat ng staff pati owner. They also ask you if you'd want to customize your drinks according to your preferences. Open til 10pm.
3. Cake's Coffee - Amadeo, Cavite
Maluwag yung al fresco nila pero maliit parking but you can park along the road din naman. Yung cheesecake and pastries daw sikat dito pero di ko pa nasubukan kasi di ako mahilig sa cheesecake, kape lang ako kasi you know Amadeo. Open til 7pm on weekdays and 9pm on weekends.
4. The Coffee Bar - Imus, Cavite
Tabi ng gas station. Usual stopover namin ng friends ko pag papunta or pabalik from Imus. Masarap yung coffee, paborito ko rin baked mac nila tska smores. Open til 12mn.
5. CLoud Coffee House - Dasmariñas City, Cavite
Mini coffee shop. Quality yung ingredients. Sikat dito yung selection nila ng croffles lalo na yung biscoff croffles. Open til 12mn.
6. Yaletown Café - Tagaytay City, Cavite
Another perfect hangout spot lalo na sa balcony. Masarap yung coffee and choco baterol. Medyo pricey pero classy kasi yung place so parang justified naman tska among coffee shops in Tagaytay di siya crowded so di maingay. Open til 4am.
7. KOPA KOPPI CAFE - Tagaytay City, Cavite
Another perfect spot if you want to have coffee tapos may view ng Taal Lake. Di rin pricey yung menu and malawak yung place. Open 24 hours.
8. Tinatangi Cafe - Dasmariñas City, Cavite
Malawak yung place. May parang tree house pa. Ganda dito kaso andami lagi ng tao. Pati yung lighting nila ang ganda. Try niyo nalang puntahan. Open til 12mn.
9. Cafe 10/23 - Imus, Cavite
Ito perfect for big groups. Malaki yung place tapos maganda. Pwede rin ata for events tong place. Kung malapit lang to sakin madalas ko tong pupuntahan eh. Open til 12mn.
10. Cosmos Café Studios - Dasmariñas City, Cavite
Once palang namin napuntahan pero maganda yung place tska estetik. Di pa namin naisip bumalik kasi along the highway ang hassle pag walang parking. Sarap nung white mocha nila pati yung pasta nakalimutan ko lang name. Photo studio din sila. Open til 8pm on weekdays and 10pm on weekends.
11. Kaffe Belardo - Amadeo, Cavite
Ganda rin dito since 2010 pa sila pero hanggang ngayon sikat pa din dito. Sarap ng coffee and cakes. Open til 6pm.
12. Vermosa - Imus, Cavite
Ito hangout place talaga. Pili nalang kayo ng preferred niyong coffee. May Starbucks, The Coffee Bean & Tea Leaf, masarap din yung iced mocha sa Burger King or coffee sa Mcdo.
13. Lamuan Shell Acienda - Silang, Cavite
Ito lang hangout place namin sa Silang. Pumupunta kami dito pag madami kaming may dalang kotse. Tapos ayun pwede uminom ng drinks and coffee kasi may Shell Select convenience store.
Mga di ko pa napuntahan pero maganda and masarap rin daw.
1. Hound Coffee and Studio - Imus, Cavite
2. Cafe Agapita - Silang, Cavite
3. Upland Kafé - Silang, Cavite
Alam ko naman marami pang ibang places bukod dito pero so far ito lang yung either tumatak sa isip namin kasi maganda and masarap or binabalik-balikan talaga namin. Di ko na din sinama yung mga mainstream brands.
⚠️ Emergency Alert and Warning ⚠️
Metro Manila, Cavite, and Rizal!
NDRRMC (11:20AM, 19Jul25) Orange Rainfall Warning in Metro Manila, Cavite, and Rizal. Heavy rainfall, flooding, and landslides are imminent.
Source: https://www.facebook.com/share/1C6kPUbCKj/
#HeavyRainfall #CrisingPH #Wipha
LRT-1 Cavite Extension PITX Station
Nine Deaths of the Ninja Emmett Alston. 1985
Panoramic View Taal Vista Hotel, Kilometer 60 Emilio Aguinaldo Highway, Kaybagal South, Tagaytay, 4120 Cavite, Philippines See in map
See in imdb
03.10.24 ♡
pasada
pumasok kami nang maaga ngayon. kaiba sa nakasanayan naming oras ng pások mula pa no'ng first year kami. gustong-gusto ko ang pumapasok nang maaga; habang malamig pa; habang gustong-gusto ko pa ang dampi ng hangin sa balat ko. kahit masikip ang nasakyan kong dyip, masaya at kuntento akong pumikit matapos iabot ang bayad. ninamnam ko ang tinig na pumapailangilang mula sa earphone ko. hanggang isang malakas na paghinto ang nagpamulat sa akin. kung wala ako sa pokus, tiyak na tumalsik na ako padulo. pinagmasdan ko ang paligid. halos nása gitna kami ng daan. may liwanag na palá; sumisilip na ang araw.
malamig naman pero halos makita ko ang unti-unting namumuong butil ng pawis sa drayber. ilang beses niya kasi sinubukang paandaring muli ang dyip pero gaya ng pabugso-bugsong kaba sa dibdib naming mga sakay na estudyante, putol-putol din ang buga ng makina. ang akala naming tuluyang pag-usad ay biglang pagsadsad kalaunan. hanggang sa nawalan na rin talaga ng hininga ang sasakyan. kinapos na; ubos na.
lumipas pa ang ilang sandali, may mga dumaraang dyip na rin. at sa sumunod na bakante'y pinalipat na kami. nagdadalawang-isip pa kami kung bababâ ba o mananatili lang doon kahit na malaki ang posibilidad na mahuli kami sa mga klase.
kahit nagugulumihanan, dahan-dahan kaming lumipat. nang makaupo na kami nang matiwasay, nakita ko ang drayber namin na ipinapása na rin ang mga pamasahe namin sa drayber ng bagong sinasakyan namin. at habang palayo siya sa amin at palapit sa dyip niyang bukás na ang harap, bakás ang panlulumo at panghihinyang sa kaniyang mukha. hindi ko mawari pero nalulungkot din ako para sa kaniya.
umaga pa lang, maaga pa, pero tilà ba pagál na pagál na agad si kuya. mababanaag sa mukha niya ang pagkayamot pero mas lamáng ang pagkalugmok; ang pagkabigo. kayâ sa saglit na inupo namin sa bagong dyip, tangan-tangan ko ang naramdaman kong 'yon. hanggang pagtawid, hanggang pagsakay pang muli ng isang dyip, hanggang sa unibersidad, at tingin ko, hanggang matapos ang araw.
sana makabawi si kuya at magkaroon ng magandang pasada.
[03-14-24]