Round Two Match B-3
Nasutei/Mia
Anubis/Cale

seen from United States

seen from Malaysia
seen from Lithuania

seen from United States

seen from United Kingdom

seen from Taiwan
seen from United States
seen from United States
seen from Belgium
seen from Germany
seen from China

seen from United States
seen from Nepal
seen from United Kingdom
seen from Brazil
seen from Albania
seen from Italy
seen from United States
seen from Germany

seen from United States
Round Two Match B-3
Nasutei/Mia
Anubis/Cale
Round Two Match B-1
Seiji/Sage
Kayura
Round Two Match B-4
Byakuen/White Blaze
Shuu/Kento
Round Two Match B-2
Naaza/Sekhmet
Kenbukyo/Saberstryke
Ang nanganganinag na kinabukasan
*Ehem ehem...
Magandang araw po sa inyong lahat! Mga magulang, mga kaklase, mga kaibigan at mga gradwado. Ako nga pala si Mikhail Javier, isang regular na estudyante na nakatapos sa Mataas na Paaralan ng Ateneo de Manila. Nandito po lahat tayo para sa isang engrandeng selebrasyon: Pagatapos ng pulutong 2011 sa mataas na paaralan. At para sa mga sumusunod na inuto, ay ihahandog ko sa inyo ang aking talumpati (na nagawa ko lang imang minutong nakalipas lamang) tungkol sa tema ng ating pagtitipon. Sana po lahat kayo'y nakainom na ng kape.
Unang-una sa lahat...Mabuhay ang klase ng G 2011!!
(G Boys: Mabuhay!)
Marami akong natutunan po rito sa Ateneo, mula sa mga iba't ibang uri ng sining at ahensiya na itinuturo ng mga guro sa paaralan. At hindi lamang ako natututo sa loob ng silid-aralan, kundi na rin sa labas nito. At ang pinakamahalagang leksyon na aking naidiskubre mula sa aking mga guro at aking sarili, ay ang kahalagahan ng diskarte. Diskarte, mula sa aking sariling isip, ay ang kakayahang gumawa ng kung ano ang tama at kinakailangan. Kailangan ito para sa maraming aspeto ng tao, hindi lang sa mga magiting na bagay katulad ng maayos na paggamit ng sariling pondo, kundi na rin sa mga mababaw na gawain, katulad na sa pag"cram" ng mga gawain, paglikha ng mga isip para sa paglulusot ng ano-anong pagkabahala. Dahil ang diskarte, mabuti man o masama, ang nagsisigurado na ang isang tao ay may mararating sa buhay. Sa aking pananaw, lahat ng taoay may likas na diskarte. Ngunit, hindi marunong ang lahat ng tao kung paano talaga itong gamitin ng maayos at mabuti. At diyan pumapasok ang mataas na paaralan.
Kung tutuusin ang pangunahing layunin ng paaralan ay hindi magkaroon ng mas maraming kampeonato kaysa sa De La Salle, o upang mailagay ang isa sa kanila sa upuan ng gobyerno bilang presidente. Ang totoong layunin ng paaralan nito, ay turuan tayo gumamit ng ating mga likas na diskarte para sa mabuti. Para lahat ng mga makatapos rito, ay madiskarte't mabuti, marunong umasenso at ilapat ang sarili para kay Kristo, at para sa bayan.
Kapag ikaw ay may kayang itanong ang iyong sarili, na nagagamit mo ang iyong diskarte, isip at likha para sa mabuti at hindi lamang para saiyong sarili, at masagot mo ng buong kumpyansa na "Oo", ay doon ka lang maaring mabigyang-katuturan bilang isang tunay na Atenista. Wala iyan sa pinakamatalino, sa pinakagayot o sa pinakapopular, dahil madalas ang mga ito naman lumalabas ay hindi tunay na mga Atenista, kundi mga nakatapos sa Ateneo lamang.
Kung naisagot mo ang tanong ko at puro kumpyansa mong sinagot ng "oo", ay bigyan mo ang iyong sarili ng ngiti dahil ikaw ay Atenista, at ang dugo mo'y kasinbughaw ng langit, na nangangako ng isang nanganganinag na kinabukasan. Kung hindi mo naman ito naisagot, o sa iyong sarili ay ikaw mismo ay nagdududa sa iyong sagot, ok lang iyan. Nakatapos ka naman ng Ateneo.
Sana po ay gising pa kayong lahat, at maraming salamat po.
-Mikee Javier (Group2B)
Pagdadasal ang isang susi sa pagtatapos
Magandang umaga sa lahat ng mga tao nandito ngayon
Ito ang araw ng ating katapusan sa mataas na paaralan ng Ateneo
Madami akong natutunan dito
Ang isa ay pagiging kapwa tao lalo na sa mahihirap
Ang isa ay ang pagiging matiyaga sa mga proyekto at gawaing bahay sa paaralan
Pero ang isa sa mga leksyon na natutunan ko talaga dito sa Ateneo ay ang pagiging maka-diyos
Sa pagiging maka-diyos nailagay ko si Kristo sa aking pang araw-araw na buhay
Sa pagiging maka-diyos natapos ko ang paghihirap sa mga mahahabang gawain sa paaralan
Sa pagiging maka-diyos nasagutan ko ang mga ensula, mahahabang pagsusulit at eksam
At sa pagiging maka-diyos nakapagtapos ako sa aking pag-aaral dito sa mataas na paaralan ng Ateneo
Nais kong patuloy tayo maging maka-diyos ngayon hanggang sa panghinaharap upang magabayan at mabigyan tayo ng proteksyon ni Kristo sa ating buhay pagkatapos ng pag-aaral sa mataas na paaralan
Maraming salamat sa inyong pakikinig!
-Jed Sazon (Group2B)
Paano 'to nangyari?
Nandito ako ngayon bilang balediktoryan ng buong ikaapat na taon. Ano nga ba ang nagawa ko upang makuha ang gawad na ito? Pero hindi na iyon importante, ang importante nandito ako ngayon nagsasailta sa harap niyo at kayo ay nakikinig na nagtatanong din sa mga isipan niyo, "Paano nga ba nangyari?"
Ito na ang huling araw bilang isang estudyante ng mataas na paaralan ng Ateneo, at sigurado handa na tayo sa susunod na yugto natin bilang mga estudyante naman ng kolehiyo. Tapos na rin ang paghihirap bilang isang estudyante ng hayskul, ngayon naman maghanda na sa paghihirap sa kolehiyo.
Marami tayong pinagdaanan sa hayskul, at sana sa mga pinagdaanan na iyon ay magamit natin ang mga iyon sa bagong buhay natin sa kolehiyo.
Ayun lamang.
-Carlo Rivera (Group2B)
Marka ng Agila
Sa totoo lang, 'di ko akalaing magiging Valedictorian ako. Kung tatanungin niyo ako, nung nasa unang taon pa lang ako kung plano kong maging Valedictorian, siguro pagtatawanan lang kita. Ngayon, nakatayo ako sa harap ninyo bilang ang inyong Valedictorian. Pero ibig sabihin ba na ako'y isang Valedictorian ay naiiba na ako sa ibang Atenista? Malamang sa malamng hinde.
Ang tunay na Atenista ay hindi nasusukat sa kanyang talino at galing. Ang tunay na Atenista ay nasusukat sa kanyang puso at ang kahandaan niyang ialay ito para sa iba. Hindi ba ang pinakatinuturo ng Mataas na Paaralan ng Ateneo ay ang pagiging tao para sa kapwa? Aanuhin ba natin ang mga talino natin kung hindi ito makakatulong sa iba. Kung tutuusin, hindi rosaryo sa bulsa ang tunay na marka ng isang Atenista. Ang tunay niyang marka ay ang pagkakaroob ng bukas na isip at puso.
Hindi magtatagal ay maghihiwalay na tayo patungo sa ating mga kolehiya. Huwag sana nating kalimutan ang marka ng Atenista. Huwag sana nating makalimutan ang...
Ateneo.
-Chico Garcia (Group2B)