Saan?
Ang payapa ng mga nakalipas na araw kase wala ka. Nasa malayo ka lang ata. Hindi naman tayo magkagalit. Wala naman akong problema. Pero ayoko na. Kase sa tuwing pipiliin kita, naiiwan ako lagi sa dulo. Ayoko na. Ayoko na talaga. Pero bakit hindi ko mapigilang isipin na kelangan kita makita bago ako umalis? Nalulungkot ako. Parang sakit na naman ‘toh na walang lunas. Paulit-ulit na tinatanong ang sarili. Saan ba ko nagkulang? Saan ba ko nagkamali? Meganun? Dejowk lang. -_- Ngunit ilang beses na kong nagpapakatino pero wala parin. Ano pa ba ang kelangan ko gawin para tantanan na kita?















