My TOTGA Story
How I wish na mabasa mo ‘to.
So it all started noong 2nd day ng org’s fair sa school. Naghe-henna ka nun e tas napansin ko na nakaorg shirt ka din katulad sakin, sakto parehas tayo ng org so nagpahenna kami ng mga ka-org natin sayo, dun kita nakilala. I never thought na magugustuhan kita.
Noong araw din na yun nagkausap tayo sa GC ng org kasi kinakamusta mo yung mga henna. Dahil nun unti-unti tayong naging close, araw-araw makausap minsan inaabot pa ng madaling araw.
Mahilig ka sa art kagaya ko kaya nagkasundo agad tayo. Tinulungan kita sa plates mo. One time nagpasama ka sakin sa dagat na makikita ang sunset para sa plate sa photography subject mo, muntik na tayong di umabot sa sunset e. Pagdating natin dun we started taking photos. Habang pinapanuod ang paglubog ng araw kasama ka, I felt something… After nun nagyaya ako kumain sa malapit na convenient store, pumayag ka naman pero nagaalangan ka kasi may meet up ka pa sa client mo sa commission artwork mo pero sinamahan mo padin ako (kilig ako dun hihi) Pero di tayo nakapagusap dun kasi nagmamadali ka.
Super close na natin gusto ko na sabihin na gusto kita pero hindi pwede kasi I’m in a relationship, at ikaw din in a relationship ka sa acads at mga commission artworks mo. Sobrang busy mong tao minsan nga di ka na natutulog e.
Siguro kung single tayo pareho pwede maging tayo…
Hindi pala.
Biglang nagbago lahat di mo na ko kinakausap. Madalas ako na nauuna magchat tas ako nalang yung G na G makipagusap kaya I stopped talking to you. I cleared nicknames and emoji kasi naiinis ako parang nawalan ako ng kaibigan.
Nagbreak kami ng boyfriend ko. I tried talking to you na parang katulad ng dati pero parang ayaw mo na ata talaga ako kausap. Kahit ibalik nalang natin ang friendship natin, masaya na ko dun. Pero parang ayaw mo na talaga, ang sakit tanggapin.
Di ko kaya..














