It's 2022 (Proof of Life Update)
It's been almost 3 years since the pandemic started... at hanggang ngayon, may pandemic pa rin (kasi bulok nga ang gobyerno natin ano pota).
Wala. Nasa bahay lang ako. Nothing happened. Taga-luto, taga-ligo ng mga aso. Pressured pa rin kasi walang work, tapos yung mga kakilala ko, thriving na sila kahit pandemic pa rin. Nirarason ko lang yung pandemic para di maghanap ng trabaho e. Sa kapitolyo nga sana, sa engineering, kaso ayaw ko ngang magtrabaho sa gobyerno lol. Lovelife? Ayun, single. Tsk.
Mga January, nag-chat sa akin si Edith, may opening daw sa office nila, Japanese company, subsidiary ng isang leading construction co. sa Japan. Pinatulan ko a, kasi japanese yorn. Pero nag-respond lang sila mga March. Sa sobrang di ko sanay magcheck ng mga emails, mga 2 weeks ko pa nabasa email nila na waitlisted ako potek hahaha nilakad ko pa rin yung application ko sa Provincial Eng'g Office (kasi gusto ko nang mag-work by this year sana)
May. I was asked to come to the office for the final interview. Potek, pinatulan ko na kesa yung sa capitol lol kaya nag-empake na ako ng gamit ko na worth 1 month. Ang balak ko kasi, if ever pala na di ako tanggapin dito, maghahanap ako sa iba, habang nandon ako sa tita ko sa Imus. Kaso, the day after ng final interview ko, pasok na daw ako sa dadating na lunes. I WAS HIRED LOL pero wala akong tirahan. Buti na lang, si Mikee (childhood friend ko from elem dayz), siya yung sumalubong at nag-accommodate sa akin habang wala pa ako sa Cavite, naghahanap ng roomie. Shet pinatulan ko. Ayan, we're roomies gagzzz hahaha
June-Early August, working gurl na ako sa Makati. Himala, at di ako nakaranas ng home sickness. Naranasan ko lang dahil sa kaguluhan sa tirahan (literal lol). It didn't feel like home at all. So that was my first breakdown since moving out. Sa work naman, keri lang. May shuttle service, tapos ako pa unang susunduiin (5AM pa nga gagi), so matic, ako rin ang last na ihahatid sa uwian huhu di ko kaya yung manila traffic. Tambay pa, may gagawin pag may ginagawa.
Late August. Ayan, pota. Tinamaan ako ng COVID19! Kalokaaaaa! Sa office ang test, antigen at RT-PCR, tapos result ko sa antigen, positive. Umiyak pa ako sa harap ng supervisor ko (Sir Adrian) at sa senpai ko na Admin Officer (Ma'am Macy), jusko. Yung libre sa akin na Jollibee Supermeal, di ko na nalasahan. Ang takot ko noon ay baka mahawaan ko sila Mikee at yung mga ate niya. Thank God, di sila positive! Dinala pa ako sa COVID Facility. Hays. Parents were very worried, to the point na gustong magpa-manila si mama para asikasuhin ako. Si Ma'am Macy, she helped me with my needs outside the facility, though. Thankful for her. Buti at bayad pa rin yung mga araw kong nag-qua-quarantine ako.
September. Nakalaya ako. Kaso, may problema ako sa pag-ihi ko. May microscopic na bato pala kaya ang sakit umihi at ang sakit ng puson ko. Potek. Pumasok ako a week after ng laya day ko.
October. Nagkita na kami Edith sa wakassss to celebrate her birthday. Nabudol pa kami ng gitara. Then gagi, nagkasakit naman na yung jowa ni Ate Marla. Ako naman, biglang nakaramdam ng kubed symptoms. So di ako pumasok sa office ng isang linggo. Nagpatest si koya... positive. Potek, I celebrated my 24th birthday in quarantine. Hindi nakakatuwa na makulong, staying at the same spot, for 2 weeks. Wala kaming masyadong galaw sa condo kasi di naman malaki nakakaloka!!!! Ayun, natiis hays.
November. Same same sa akin. My little sis, Jau, passed both of her board exams! Licensed Electronics Engr, tapos registered Electronics Technician. She even went here for an interview, Japanese Company din sa Ortigas. Nag-breakdown din ako noong paalis na siya kasi ayaw ko siyang umalis/gusto kong sumama umuwi levels. Hays. Nakatanggap din ako ng 13th Month haha umaasa na makatanggap ng Christmas bonus sa december.
December. Binibilang ko na ang mga araw bago ako umuwi sa Solano. Met many of Mikee's college friends thru inuman. Jau and Kuya Junnie went here for job hunting (si Jau, final interview and re-exam sa japanese company na in-apply niya, she got the job on Dec. 20, pasok ay Jan. 17!) Tapos noong gipit na ako kasi paubos na pera ko sa bank acct ko, nagbigay na sila ng bonus. Kasali kami. GORL ANG SARAP NG BONUS NILA hahahaha tuwang tuwa ako. Then umuwi ako and grabe... home talaga. Madaming nagbago, madaming nawala, pero same feeling pa rin. Parang nawala nga lang ako ng 2 linggo e. Then nag-aya ang mga Hot Pigs (college main friend group) na magbakasyon sa La Union, Dec. 26-29. Ang present: Me, Rona, Ilad, Bins, Melo, Charlie. Sayang si Edith, di pinayagan ng parents niya ("23 na ako pero di pa rin ako pinapayagan" "Nagwowork ka sa manila, di ka pa pinayagan? hahaha"). Sobrang enjoy! Roadtrip, mga inungkat na nakaraan, tsismis, food, drinks, bonding... then pag-uwi ko, wala na pala si mingming, yung pusa ko. He was with us for 4 years. The love of my life, my kitty cat, died. My heart died. Mahina na siya mga November pa lang. Hinintay niya pa akong umuwi bago siya mawala. :<
Went back to Manila feeling sick. Pag-uwi ko pa lang galing La Union, nagkasakit na ako. Yung mga tao nga sa bahay, may ubo at sipon din. Ayaw ko nga sanang bumalik nang Manila na may ubo at sipon. Kaya pinaalam ko na WFH muna ako hanggang sa gumaling na ako. Pero gagi, may surge nanaman sa COVID cases after bakasyon sa buong bansa. Umabot na ng 25k+ for days straight ang mga kaso. Si Mikee naman, bumalik sa bahay nila sa QC para doon magpagaling (pati mga fam niya may mga sakit din), so I was left alone dito sa condo. Pota? Gumaling nga ako sa ubo ko, nagka-gout naman ako? A FEMALE WITH GOUT? AT THE AGE OF 24? I was suffering alone, causing sleepless nights during the first 3-4 days due to the pain. Nagpa-check up ako, mag-isa, sa clinic sa malapit na SM dito sa amin. First time kong mag-wheelchair, sa loob pa ng mall. Tapos pag-uwi ko? Struggle yung pag-akyat ko kasi walang elevator. I was using a monoblock chair as my wheelchair dito sa condo, para lang makagalaw ako. The check up was on a Saturday, and it was the most painful experience that I have ever felt in my whole entire life, physically and emotionally. 5 days pa lang yung experience kong mamuhay mag-isa, kailangan pa sa ganitong paraan? Putangina. Naiiyak na lang ako sa tuwing inaalala ko yung pinag-daanan ko. And this was a week ago. I had my food delivered to my door, I have to sit on a chair when taking a bath (kaya di na ako naliligo minsan para di na ako mahirapan), tatalon pa ako para lang makapunta sa pupuntahan ko within the condo.
I am good now, pang-10th day ko na sa anti-gout. Nakakalakad na ako. Though, medyo na-trigger ko yung gout ulit noong kumain ako ng oreo, meat loaf, at ng ice cream. Bukas, lilipat na kami ni Jau sa titirhan namin sa Guada, kasama ang bebe niyang si Mario.
Isa nanamang milestone. Ang dami kong naranasang milestone ngayong nandito na ako sa manila. Puro sakit (physical at emotional). Life changing events. Hahaha! I mean, universe? Pwedeng tama na yung mga ganito na di naman maganda ang mga pangyayari sa akin? Quota na ako, e. Pwedeng yung life changing for the good? Yung nakakaganda ng buhay, nakakayaman, at punong puno nang pagmamahal? Single pa rin ako, pakigalaw naman ang baso sa department na iyon hahaha
Naging nobela naman na itong update na ito. Sige. Next year ulit. Charot.
(writing this on my company laptop lol)