DEED #5 on April Fools Day
So sa aking "10 Deeds to do before I graduate", ang aking deed #5 is "To reveal my hidden talent."
My hidden talent is to sing. Di naman siya hidden na hidden talaga, pero mga 6 to 10 lang yata sa school ang nakakaalam na kumakanta ako. Mga close friends ko at ilang seatmates lang. Tinatago ko dahil gusto ko isipin ng iba na hanggang sayaw lang ako, at dadating ang araw na gugulatin ko sila. At successful ang shock attack ko. >:)
2 weeks ago, nag-announce ang school namin na magkakaroon ng talent show called Hataw Na. Yung ibang nakakaalam, pinilit na ako na sumali, pero NO lagi sagot ko. Ako lang mag-isa? Ayoko mag-solo flight. Hahaha. So ayun, hanggang sa nung isang araw bago mag-Hataw Na, nagjajamming kami nung closest friends ko, tapos yung isa na nakakaalam tungkol sa 10 deeds ko, nagprisinta na tutulong sa deeds ko, yun pala gusto niya sumali ng Hataw Na pero ayaw din mag-solo flight. Take note, musical genius pa yan, buong family. Sumama din yung nakababatang kapatid niya sa'min, kapatid ko din sana kaso Student Council Officer at bawal sumali. Nag-practice lang kami ng tatlong oras, then tadaaa! Ready na ang THIS trio. Yun pangalan namin, ba't ba? Cool kaya. HAHAHAHA. As in "This" yung name. Wala na rin kasi kaming maisip.
The next day, ayun na audition na. Sinigurado namin na walang makakaalam na kasali kami. Gusto kasi namin ma-shock lahat sila. At yun nga, pagtungtong namin sa performing area...HAHAHAHAHAHA! Priceless kasi yung reaction ng lahat! Yung iba nganga, may wide-open pa mata, may mga narinig pa kaming "Shit! Kasali sila? Di nga?" "Patingin nga listahan?" "Naglihim pa kayo! Sige ganyanan na!" "Di ko alam 'to ah!" "OMG!" April Fools people! Hahahaha! Nyemas yan ang OA nung iba. =)) Nag-fail nga lang kami dahil walang beatbox, sabog na elec. drums ang nagamit at kulang ang mic. Di tuloy dinig mga blendings namin at di kami nagtunog acoustic trio dahil sa drums.
Akala namin, NO or at least wildcard lang makukuha namin dahil fail nga, kaso sinabi nung isang judge na alam nilang beatbox dapat at kapos sa mic. Buti na lang daw at narinig nila boses namin at maganda daw yung pagkakatugtog ng gitara. Nuks flattered! :">
In the end, they all gave us a YES.
Eto na ngayon problema namin, di namin alam susunod naming kakantahin. :))