Normal time lang yung alis ko kanina 7:35AM, partida may time allowance na yon, kasi 30-40 mins. lang naman ang biyahe from saamin to RLI kahit apat na sakay ako. Una, ang hirap sumakay ng jeep kanina sa multi sobrang tumal e, ewan ko ba lahat na lang ng dadaan na jeep hindi daw didiretso sa barangay moonwalk. mga 10 mins pa bago ako nakasakay. Sunod, yung trike naman ganun din ang tumal, dumating ako walang nakapilang trike tapos may dalawang nauna saakin, e laging special trip lang so 3rd pa ako. Mabuti na nga lang pinauna ako nung kuya na nauna saakin kaya sa pangalawang dating na trike nakaalis na ako. so nakasakay ako ng trike 7:55 na. Medyo matraffic pa doon sa bandang intersection na dinadaanan ng mga shuttle pa Ayala. Mga 8:05 na ako nakarating sa Gate 2 ng moonwalk. Lipat trike ulit palabas naman ng merville pa service road. Safe pa naman di pa ako nagmamadali kasi may time allowance e. Pagkaalis nung pangalawa kong sakay na trike, jusmiyo marimar talaga ilang beses ata namatayan ng motor si Kuya pero ayaw niya pa rin kami i-let go *haynako kuya kailangan mong mag archery para matutunan ang art of letting go, chos* 8:15 na nung nagdecide kami ng mga kasabay ko sa trike na bumaba na lang, binawi ko na rin bayad ko kay kuya kasi sayang naman wala naman akong narating. Walang masakyan na tricyle!!! Lahat ng dadaan puno, tapos may nadaanan na naman akong terminal e punuan naman so imbes na mag-antay ako dun tinuloy ko na lang ang paglalakad. PAPASOK PA LANG AKO SA OJT KO YUNG ICHHURA KO MUKHANG PAUWI NA!!! GRABE!!! Buti na lang may isang pasahero na bumaba sa trike na napadaan kaya nakasakay pa ako papalabas ng merville. 8:30 na nung makarating ako sa labasan ng merville bandang service road. 8:30 ang time namin, kahit anong namang gawin ko late na talaga ako, may isang sakay pa ako at may 3-minute walk. DEPUTEK SOBRANG TRAFFIC SA SERVICE ROAD, Oo, traffic talaga sa service road pero unusual namatraffic ako kasi sa kabilang side, yung papuntang pasay lang naman ang laging traffic kapag umaga, kaso destined ata ako ma-late ngayong araw. Nakarating ako sa office 8:55. 5 minutes na lang malapit na ako maireport sa HR na absent huhu. GRABE LANG TALAGA DINANAS KO KANINA. Marathon ng paghihintay ng masasakyan at walkathon tapos may pakikipagsapalaran pa sa traffic. Kaya bukas aagahan ko na alis ko 7:25, kapag ako na-late pa, dadalhin ko na lahat ng gamit ko sa opisina dito na ako titira. De joke, nakakabadtrip talaga. OA na kung OA pero ayoko talaga yung nale-late, kung hindi ako early bird lagi akong on time. Alam yan ng mga kaklase ko sa college. Pero sabi nga nila "The sad thing about being the early bird is that no one was there to appreciate you". Pero kapag late ka lahat mapapansin ka. Favorite quote ng nanay ko "Mabuti na yung ikaw ang maghintay kaysa ikaw yung inaantay." Di ko alam kung may paghugot pero nakatatak yan sa isip ko. Mainipin pa naman akong tao. Reklamadora pero wala naman akong magagawa kundi maghintay. Luh saan na napunta 'tong tinatype ko? hahahaha. K fly.