February 28, 2016. ‘Yan ‘yung araw na nag-decide akong iwan ka. It was a rainy Sunday afternoon. Usapan natin mag-sisimba lang tayo. Buong akala mo mag-sisimba lang tayo. You had no idea na ‘yun na ‘yung last na magkakasama tayo. Wala e, akala ko maaayos pa lahat sa’tin kaso tangina ginago mo ako. Sa dinami-rami ng pwedeng gaguhin, talagang ako pa? Hahahaha! Di ka pa nasanay na na-rrak ko account mo. Pagkauwing pagkauwi ko nung araw na ‘yan, nag-log in agad ako sa Facebook account mo. Pinalitan pangalan mo, ginawa kong Fuccboi *insert nickname*. Ewan ko ba. Kahit alam kong mali, ginawa ko pa din. Feeling ko kasi ‘yan na ‘yung best way para mabawi ko lahat ng pain na pinaramdam mo sa’kin sa mahigit one year natin na nagsama.
Two weeks after, nag-try kang balikan ako. Humindi ako. Sabi ko sa’yo may nagugustuhan na akong iba na gusto din ako. Alam ko sa sarili ko that time na magiging rebound ko lang ‘yung lalaking ‘yun if ever na i-push ko kasi nagustuhan ko lang naman siya kasi malungkot ako. Wala kang kaalam-alam na di ko din naman tinuloy ‘yun. Gusto ko lang talagang saktan ka.
Almost 8 months na nakalipas, eto ako... Feeling strong lang. Dapat kasi ‘di ka na bumalik dito sa Cavite. Dapat ‘di ka na bumalik dito sa subdivision namin. Akala ko okay na ako e. Kaso nagpakita ka na naman. Talagang bet mo akong pahirapan? Chareng! Naisip ko lang, bakit di tayo maging friends ulit? Since lagi naman natin nakikita isa’t isa, though hindi tayo nagpapansinan, pero why not ‘di ba?
Aaminin ko, nasasaktan pa din ako every time na maaalala ko ‘yung mga nangyari na ‘di maganda sa’tin. Pero every time na makikita kita, gusto kitang kausapin. Kinakabahan pa din ako. Nanginginig pa din legs ko ‘pag malapit ka sa’kin. Totoo nga siguro na “True love never dies.” PALUSOT! Ahahahaha! Oo na, mahal pa din kita. Yata? Alam mo ‘yung pagmamahal na mahal lang pero wala na ‘yung kagustuhang bumalik pa sa relasyon na meron tayo noon. I just want to be friends with you again. Medyo mahirap and imposible pero gusto ko lang na maging okay ulit tayo as friends nga lang.
Three weeks na lang, mag-bbirthday na ‘yung little angel natin. Kung may wish ako, kahit maging friends lang ulit tayo.