Blog? No. Diary.
Call center agent sa gabi, Intern sa umaga, estudyante sa hapon.
Akala ko nung una mamamanage ko ang lahat. Ang yabang ko pa na mapapagsabay ko ang lahat. Pero unti unti nararamdaman ko na yung hirap. Pero di naman ako pwedeng sumuko. Hindi din ako pwedeng may igive up na isa kasi lahat importante. Kailangan ko ng trabaho, nung una para lang talaga sa pang sarili saka yung kahangaran na makatulog sa mga kamag anak kong nagpapaaral saken kaso biglang nag kataon na nagkakaron na ng karamdaman yung mama ko at di na kayang mag trabaho ng mabibigat. Tanging paglalaba at gawaing bahay lang alam ng mama ko tapos lahat mabibigat kaya madalas sumasakit yung tyan nya (madalas nyang nararamdaman), ayaw naman mag patingin kasi natatakot na baka malaki ang gastusin. Kaya eto, di ko na talaga pwedeng bitawan yung trabahong meron ako. KAsi pag ginawa ko, san titira mama ko? Ano kakainin nya?.
OJT? Pagiging estudyante? Mas lalong di ko pwedeng igive up ang dalawa, kasi pangarap ko na talagang makapag suot ng toga next year kahit hindi pa naman yun BS. At lalong ayokong madisappoint sina tita at tito na pinangakuan kong makakgraduate ako next yesar.
Nahihirapan na ako sa sitwasyong pinasok ko at sa buhay na meron ako. Yung pressure, stress, pagod, lahat na nagsama-sama. Minsan parang gusto ko na lang maglaho at sumuko pero pag ginawa ko naman pano na yung mga pangarap ko? Pano na yung pangarap ko din sa pamilya ko. Iniiyak ko na lang minsan sa gabi para kinabukasan o paggising ko panibagong buhay ulit. tuloy lang, laban hanggat kinakaya.










