Nang Sinabi Mong Tapos Na. Ni: Angelo Benavidez Nang sinabi mong tapos na, doon ko naalala ang mga katagang “mahal pa rin kita”. Nang sinabi mong tapos na, doon ko inumpisahan ang pagbuo sa ating alaala. Nang sinabi mong tapos na, doon ko naramdaman na lumuluha ang aking mata. Nang sinabi mong tapos na, doon ko lang nakita ang iyong halaga. Nang sinabi mong tapos na, doon ko lang nakita na ang tanga-tanga ko pala. Nang sinabi mong tapos na, saka lang nasabing sana ay pwede pa. Nang sinabi mong tapos na, umaasa na sana may part 2 pa. Nang sinabi mong tapos na, marahang paghakbang palayo sakin sinta Nang mga oras na ‘yon tandang-tanda ko pa kung paano ka humakbang palapit sa akin noong tayo pa. Nang sinabi mong tapos na, Oo tapos na? Sana nga kaya ko na matapos na. Nang sinabi mong tapos na, hindi na ba talaga maibabalik mga alaala nating tapos na.
hugoteronggelo







