Sa panahon ng kasalukuyan
Saksi ako sa araw araw na pag ikot ng sanlibutan
Sa pagsikat ng araw sa silangan at paglubog nito sa kanluran
Sa paglitaw ng buwan kinagabihan at pag kislap ng mga bituin sa madilim na kalangitan
Sa mga taong nakakasalamuha sa daan
Saksi ako sa mga taong nagmamahalan
Sa mga taong nasasaktan, sa mga taong lumalaban
Sa mga taong naghihintay kay “The One”
May pag ibig kasi na para sa kanila
Napapaginipan kapag natutulog na
Palaging iniisip kahit exam na
Palaging pinag uusapan kahit kumakain pa
May mga pag ibig na para din sa kanila
Magkayakap pa rin sa jeep kahit siksikan na
Magkasalo ng plato kahit marami pa sa kusina
Magkasama pa rin kapag sila papa tulog na
Magkausap pa rin kahit mata'y babagsak na
Tawa pa rin ng tawa kahit showering na
May pag ibig na para sa iba
Kinikilig pa rin kahit hindi sila
Tumatawa pa rin kahit masakit na
Chat pa rin ng chat kahit seen na
Text pa rin ng text kahit ang reply HAHAHA
Bata pa ako at maraming inaasikaso
Pinapanday ko pa ang mga pangarap ko
Na makapagtapos at makapagtrabaho
Na bigyan ang pamilya ko ng bahay na mala-palasyo6
Pangako, tandaan niyo ‘to kayong lahat na nandito
Tutuparin ko ang pangarap kong maging sundalo o kaya nama'y maging direktor sa pelikuka o teatro
Pangarap ring maging kilala sa pagpinta, sa pagsulat at pag gawa ng mga tula
Pangako, na mas bibigyan ko ng oras ang pamilya ko,
Mamahalin ang mga kapatid ko, pagsisilbihan ang mga magulang ko
Pangako, pagbubutihan ko ang pag aaral ko
Maging mga libro ay itatabi ko sa pagtulog ko
Hindi ako mangongopya. Hindi ako maglalakwatsa.
Hindi ko sasayangin ang pagkakataong makapasok sa skwela.
Pangako, na mamumuhay ako sa kadalisayan.
Hindi magpapaakit sa tukso.
Mabubuhay ng walang bisyo,
Totoo sa sarili ko at sa ibang tao.
Pangako, ang Panginoon ay paglilingkuran at ang sobrang mamahalin ko
Dahil sa paglalakbay na ito, Siya ang makakasama ko
Sa pag abot ng mga pangarap ko
Siya ang maghahatid sa forever ko
Maghihintay ako.
At habang naghihintay ako, sarili ko ay bubuuhin ko
Matiyaga sa paghihintay at hindi magmamadali na magkaroon ng nobyo
Na pumasok sa isang relasyon na hindi sigurado
At ipinagkatiwala ko sa Diyos ang puso ko
Naniniwala ako na ang tunay na pag ibig ay matatagpuan sa takdang panahon
Dahil sa ngayon, ang kwento ko ay isinusulat pa ng Panginoon.