Magpakalalaki ka naman.
Kadalasan ito ang pinakamadalas nating sabihin sa mga kaibigan nating lalaki na namomroblema. Hindi natin alam na minsan ito na din ang dahilan kung bakit napanghihinaan sila ng loob. Simula palang ng pinanganak palang ang ating tatay, tito o kuya, nakaugalian na nating pakita na dapat nilang patunayan na lalaki nga sila. kung hindi man. sasabihan lang natin sila ng "bading", "mahina", "lampa", "malambot". Simula pagkabata, uso na natin silang sabihan na "sabihin mo nga 'Lalaki ako'", na hindi natin namamalayan na hinahayaan natin ang mga bata na mag isip pantungkol sa kanilang kasarian. Kadalasan din, ginagaya lang din nila kung ano ang nakikita nila sa mga kaibigan nila. Kaya kadalasan ng mga tatanungin mong lalaki ay ang sagot lang ay "okay lang". "wala namang problema". "wala to". Dahil nakikita lang din nila sa iba na itinatago lang nila ang mga problema nila sa isang sulok at papakita nila na normal lang ang lahat. Ganun na kasi ang nakikita nila eh. "Iyakin". Ito din ang term na ayaw mong itawag sayo. Dahil simula dito bibigyan ka ng asar o ng biro na dadalhin mo hanggang matapos ka ng elementarya. Pero kung tutuusin, ito ang paraan ng isang bata para mailabas nila ang kanilang sama ng loob. Dahil sa peer pressure, nagagawa nilang kimkimin nalang ang lungkot o galit para lang hindi sila pagtumpulan ng tukso. Makakasanayan nila ito hanggang sa pagbibinata na nilang hindi na nila inilalabas ang mga ganitong saloobin. Madalas mananahimik nalang sila at magiging abala sa ibang bagay. Kadalasan sa ibang bata, nadidivert nila unconsiously ang galit o sama ng loob na ito sa pambubully o sa pag gawa ng ibang bagay. Dahil wala nang ibang paraan para mailabas ang sama ng loob nila. As much as we want to man up and be tough, we also want to have the affection of a friend like some girls have. It's the truth. Aminin mo (kung lalake ka), kadalasan ang pinakamalapit mong kaibigan ay naituturing mo na ring sobrang dikit na kapatid. Dahil sa nabuo na ang tiwala mo sa kanila at kadalasan sila lang at sila lang din ang napapagsabihan mo ng problema. Hanggang sa tawagan na kayo ng "bromance". Dahil ang pagkakaibigan nyo ang nagiging masyado ng close sa mata ng ibang tao. Siguro nga ay yun ang kinaiba natin sa mga babae. Mas pipiliin natin magbuhos ng problema sa isang tao o sa isang grupo ng kaibigan na pinagkakatiwalaan mo sa sobrang tagal na panahon kaysa sa mga taong nakakasama mo for a short period of time pero mawawala din agad agad in the end. What I wanted to say way. You never can tell a man how to be a man himself just by doing this or that. We guys cannot be "tough" all the times and think that problems can easily be handled by our minds. We do need emotional security and we do need people to be with us whenever things go rough. Hindi man kami yung tipo na magyayakapan once in a while o magbebeso o magoovernight para makipagkwentuhan lang buong gabi at manood ng movies, pero kami ay naghahanap lang din ng kalinga ng kaibigan na masasabi mong masasandalan mo pag kailangan mo. Na hindi mo kailangan na pagtaguan ng kahit ano at napaglalabasan mo ng sama ng loob. This post was inspired by this video: https://www.youtube.com/watch?fv=hc45-ptHMxo






