Ligaw by | Unpublished Inkstains 🪶
Hindi ko na alam kung saan muli mag-uumpisa, kung sa pinakadulo o pinakauna dalawang daan, isang patutunguhan mahirap magdesisyon kapag nagkakagulo ang puso at isipan.
saan ba ang pagsisisi? sa simula? gitna? o huli? saan ba sa tatlo ang pwedeng gawing panibagong simula upang mas mapalapit sa hinahanap na ligaya?
Alassingko na ng umaga, wala pang balak magpahinga ang mga matang mapupungay at ang pusong pagod na pagod na walang hinto ang isip sa pagiisip nagmumuni-muni parin sa mga lumilipas na sandali.
Kailan malalaman ang daang patutunguhan, takot na magkamali, baka maligaw muli ang taong walang direksyon at alam sa daang tinatahak ang taong walang ibang gabay kung di ang bituin sa kalangitan.















