Masarap magmahal. Oo. Tama. Masarap nga. Anong lasa? Lasang tanga.
'Wag na tayong maglokohan pa. Lahat tayo nagiging tanga pagdating sa pag-ibig. Lahat tayo nagpapakatanga. Pero sa bandang huli, ayun tanga pa rin tayo. E sa gusto nga nating magmahal e. Lahat gagawin natin para ma-achieve natin ‘yung akala nating happiness na hinahanap natin sa love na ‘yan!
Sino na dito ang nagmahal ng hindi nasasaktan? Wala ‘di ba?
Sa realidad kasi, parte ng pag-ibig ang masaktan at magpakatanga. ‘Yung tipong alam mong may mali na sa relasyon nyo pero ayan ka pa rin, nagbubulag-bulagan, nagbibingi-bingihan, nagpapakamartir, in short: NAGPAPAKATANGA.
Minsan dahil sa takot mong mawala siya sayo e nagpapakadesperada ka pa nga. Ayy TANGA KA NGA! Pero ano? Na-achieve mo ba ‘yung happines na hinahanap mo? Pwedeng oo, maaaring hindi. Depende ‘yan sa tao.
Kadalasan kasi, ‘yung akala nating “Love hurts when it’s real” e hindi pala tama. Sadyang kinakain lang pala tayo ng katangahan natin kaya ‘yung akala nating “true na nga e real love pa” e, pagpapakatanga na pala.
Oo. Aminin mo, mahirap tanggapin ang kapaitan ng realidad. Kahit siguro lumaklak ka pa ng tone-toneladang realidad, e malalasing ka lang tapos pagkagising mo, mas pipiliin mo pa ring magpakatanga. Sad story nuh?
Pero sa totoo lang, hindi naman talaga lahat ng nagpapakatanga e sad ending. Karamihan nga e napupunta sa happy ending. Alam mo kung bakit? Kasi nagpapakatanga lang naman sila para hindi mawala sakanila ‘yung taong mahal na mahal nila. Nagpapakatanga sila para hindi mawala ‘yung source of happiness nila. Nagpapakatanga sila kasi nga ayaw nilang masayang lahat ng isinakripisyo nila para sa taong mahal nila. Nagpapakatanga sila kasi gusto nilang makasama ‘yung taong ‘yun habang-buhay. Nagpapakatanga sila kasi alam nilang sooner or later, mare-realize din ng taong pinagpapakatangahan nila kung gaano sila magpakatanga para sa pag-ibig nila. Nagpapakatanga sila kasi nga masarap magmahal. Mas pinili nilang magpakatanga para lang maisalba ang taong mahal nila mula sa pagkalayo sakanila.
Aminado ako, tanga ako! Masarap nga kasing magmahal, lasang tanga. :)