Ang babaw nang pang unawa ng mga tao ngayon sa salitang "pagmamahal"
Paano mo nga ba masasabi kapag mahal mo ang isang tao?
Mahal mo na ba ang isang tao kapag nakaramdam ka ng kilig? ng sparks? ng butterfly on your stomach? Ay dyan ka nagkakamali! Attraction yun hindi love!
Ganito yun, ieexplain ko lang, LOVE IS A PROCESS, hindi yung pag nakita mo pa lang yung isang tao, mahal mo na, agad-agad! NO! Mabababaw pa yung feelings mo, kaya lang napupunta sa LOVE ang isang ATTRACTION kasi pinupursue mo, kasi ang pagmamahal ay isang mahabang mahabang proseso, kasi pag nahulog ka sa isang tao, pipiliin at pipiliin mo na siya kasi nagsisimula ka ng magmahal.
Kapag ang lalaki nanliligaw, dapat ba siyang tumigil kapag nireject siya? Kasi kapag tumigil, hindi panliligaw yun, pangangatok tawag dun, parang bumili ka lang sa tindahan porket walang tindera aalis ka na at lilipat sa iba. Ang panliligaw, may chance man o wala manliligaw ka, para maipakita mo yung mabuting intensyon, kasi nga ang pagmamahal ay isang mahabang proseso. Hindi yung sa una pa lang, nag eexpect ka na ng produkto.
Gawin naman nating example yung mga couple, yung mga couple na matatagal na, lagpas na isang taon, bakit yung iba nagbrebreak, bakit yung iba going strong?
Dun muna tayo sa going strong, bakit sila nagtatagal? Ano bang sikreto nila? Simple lang, pinipili nila nang paulit-ulit yung taong nandyan sa tabi nila ano man ang mangyari, kahit nakakasawa na, kahit paulit ulit na, kahit ang toxic na, bakit stay strong pa rin sila? It's because they choose to grow at each other's arms over and over again, and that's love. Yun ang tunay na pagmamahal, walang lokohan, kasi una pa lang, alam na nila at pinili na nila yung taong nasa tabi nila nung mga panahong walang wala sila.
Dun naman tayo sa nagtagal pero naghiwalay, possible reason is third-party, mga nafall sa iba kuno. Ito lang masasabi ko, yan bang taong pinagpalit niyo kayang higitan yung pagmamahal na binigay ng matagal ng nasa tabi mo? Tulad nga ng sinabi ko love is a process, kung ang tingin niyo sa pagmamahal ay puro kilig at sparks, ayoko ng magmahal pa. Hindi kasi yun ganun, hindi puro saya lang, hindi porket na feel mo sa iba na masaya ka, tingin mo hindi mo na mahal yung partner mo ngayon, nahihibang ka pre. Nakalimutan mo ata kung paano kayo nag umpisa, kung paano ka niya pinasaya, kung paano ka niya inalagaan, kung paano ka niya dinamayan nung mga panahong akala mo nag iisa ka, sino ba yung taong nag chicheer up sayo? Sino ba yung nandyan sa tabi mo nung mga panahong pakiramdam mo pinagbagsakan ka ng langit at lupa, sino ba yung taong pinangarap mo pakasalan at makasama habang buhay? Yung bago ba? Hindi. Bakit mo ipagpapalit ang panandaliang kasiyahan sa habang buhay sana? Hindi tayo nabubuhay para maging masaya lagi, maswerte ka may taong handang magtiis sayo at magmahal sayo ng buong buo, so come to think of it, instead of finding another, why not change yourself to be better for someone who loves you? Kasi kapag mahal mo yung isang tao, sa umpisa hanggang sa dulo siya ang pipiliin mo.
Kaya yung mga may sidechicks dyan, may mga kinakalantari kahit commited na ehem, ayusin niyo mga desisyon niyo sa buhay. Ang babaw ng pang unawa niyo sa pagmamahal. Mahirap magsisi sa huli.
Kung hindi ka handa magmahal, masaktan, lumaban at manindigan, wag ka umepal sa buhay ng iba para lang masubukan mo kung ready ka na, hindi ito exam na trial and error. Okay?
Love is a process. A PROCESS.











