Hintayin mo pag uwi ko ng Pinas, Pakakasalan pa kita.

seen from Italy
seen from Australia

seen from United States
seen from Spain

seen from United States
seen from China

seen from United States
seen from Malaysia
seen from United States
seen from China
seen from Italy
seen from China

seen from Germany
seen from Netherlands
seen from Netherlands
seen from China

seen from Italy
seen from China
seen from United States

seen from Finland
Hintayin mo pag uwi ko ng Pinas, Pakakasalan pa kita.
Mga Babasahin sa Huling Dalawang Linggo ng Hunyo
Sabay kong babasahin ang isang pares ng nobela na nagkukuwenta sa bidang mag-aaral na mayroong sa mahipding pagnanasa - ang Brideshead Rivisited ni Evelyn Waugh at Ang Tundo Man May Langit Din ni Andrés Cristóbal Cruz.
Pagktapos, patuloy akong makikibaka sa nating nakahihilong panahon sa gabay at payo ng nakatatandang mga parisa sa How To Live Like A Monk: Medieval Wisdom for A Modern Life ni Daniele Cybuleskie. Gabay ko rin ang A Short Guide to Writing About Film ni Timothy Corrigan sa masusi at matatás na pagsulat tungkol sa pelikula.
At ang librong Tsek ngayong Hunyo ay ang Dýchat s ptáky (To Breathe with Birds) ni Václav Cílek. Tatahakin ang ugnayan ng tao sa kaniyang kapiligiran - isang tangkop na akda sa aking lagay ngayon bilang naninirahan sa dayuhang lugar.
Kung papayagan ng panahon, aarlin ko rin ang Fundamentals of Digital Image Processing ng Northwestern at Samping Techniques ng estadistika na si Willam Cochran. Interesado rin ako sa mga titulong sci-fi katulad ng The Dying Earth ni Jack Vance, The Revelations ni Eric Hoel na nagsulat din ng patungkol sa nobela at TV, at iilang libro mula sa seryeng Discworld ni Terry Prachett - ngunit hihintay muna mga ito.
Mahalaga hindi ang bilang kundi ng lalim kaya tulungan nawa ako ng pagbabasa na kayanin ang layo at walay ko mula sa mga kaibigang kong naiwan sa Pilipinas. Dahil sa kakakausap ko sa kanila sa madaling araw, natutulog na ako sa umaga kaysa sa gabi. Ang mga librong ito ang magsisilbi muna na kaibigan ko. Ika nga ni Harold Bloom :-
"Reading well is one of the great pleasures that solitude can afford you, because it is, at least in my experience, the most healing of pleasures. It returns you to otherness, whether in yourself or in friends, or in those who may become friends. Imaginative literature is otherness, and as such alleviates loneliness. We read not only because we cannot know enough people, but because friendship is so vulnerable, so likely to diminish or disappear, overcome by space, time, imperfect sympathies, and all the sorrows of familial and passional life"
Onse ng Hunyo, naalala niya ang mga kwento ko
Normal na araw lang naman ‘yun noong nagkekwento ako tungkol sa paborito kong album. Saglit ko lang din nabanggit kaya akala ko’y napaka-random. Hindi ko naman inakala na hindi pala random ang mga salitang binibitawan ko... at least para sa kan’ya.
Ganito pala ang pakiramdam na may halaga ang bawat letrang binibigkas, ang may nag-aantay at nakaabang sa bawat darating na bukas.
Onse ng Hunyo, maraming random na kwento na naman habang binabagtas ang kyusi, pero walang reklamong lumabas sa mga labi.
Ang payapa ng bawat minuto lalo na sa pasensyang meron siya para sa isang katulad kong madalas ay magulo. Halos lahat ng akala ko’y negatibo kong aspeto ay ‘cute’ at ‘maganda’ at ‘nakakatawa.'
Minsan nga hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa pero yung latter na lang siguro dahil tiwala naman ako sa kan’ya. Mali, tiwala ako sa kan’ya.
Kaya ang Onse ng Hunyo ay maisusulat sa pahinang ito, nararapat lamang mailimbag ang kwento.
Half year gone, half year to go. ❤️ Welcome July. 😋 #hellojuly #july #welcomejuly #monthofjuly #hunyo #buwannghunyo https://www.instagram.com/p/CQydNYBhVRT/?utm_medium=tumblr
Bakit maraming kinakasal ng June?
Kasi pasukan 😁
Kwentong june muna.
Exciting din para sa akin ang month ng June dahil panahon to ng nba finals. Panahon rin na kaliwa't kanan ang ulan. Lalo na ang pasukan. Simula noong second year college ko, month ng june ang nagliligtas sa akin mula sa kaliwa't kanang anxiety dahil sa acads. Buong summer vacation ko kasi iniisip na "what if this incoming sem ay di ko na masurvive? What if mawala ang scholarship ko? Makakapagaral pa ba ako? Paano na pangarap ko?" Tapos syempre kakaisip ko, magkakasakit ako. Tapos iisipin ko na naman na "Baka malala na tong nararamdaman ko. Mamamatay na ba ako? Paano na sila papa at mama? Yung mga kapatid ko? Yung pangarap ko?" HAHAHA
Month ng June ang nagliligtas sa akin mula sa mga iniisip ko na iyon kasi finally malalaman ko na ang sagot sa ilan sa mga tanong ko. "Masusurvive ko ba?". Well no choice naman ako. Pero atlis na nababaling sa mga bago na subject ko ung mga iniisip ko.
Month din ng June ang panahon na ramdam ko ang pagiging short namin sa budget kasi pasukan na naman. Partida di na kami (kami ng kapatid ko sa college) humihingi sa parents namin pang tustos sa kolehiyo. Kaliwa't kanang bayaran. Kuryente. Tubig. Miscelleneous sa kahit anong bagay lalo na sa pagkain. Ewan ko rin bat di kami nauubusan ng utang. Andyan yung di namin alam kung saan kukuha ng ipangbabayad at ipambibili. Limitado na ang pagkain na kakainin namin kasi bukas di na namin alam kung saan kukuha ng pangtustos. Naalala ko nga noong 3rd year ako, grabe yung conflict sa pamilya ko dahil sa budget. Iniisip kasi ng kuya ko na pabigat lang ang pagaaral ko na kesyo dapat nagtra-trabaho na ako. Kulang kasi yung pumapasok na income sa bahay namin tapos may pamilya na rin si kuya. Di ko sya masisi pero sobrang sakit para sa akin nun. Umiyak na lang ako sa kwarto ko kesa sa pumalag ako. Basta. Pero inunawa ko na lang. Sinabi ko na lang na tutulong naman ako kapag nakatapos o nagkatrabaho din ako. PEro okay naman na kami ngayon. Normal nga lang siguro ang ganun.
June din pala ang Fathers' day at sa usaping tatay, Yes, may papa pa ako. Sya yung taong dahilan ng lahat ng mabuti kong katangian. Kung magiging tatay man ako sa future, Sya ang titingalain ko para tularan sa pagpapalaki sa magiging anak ko. Hanga ako sa kanyang kasipagan. Sa kanya ko nakita na kahit anong sipag mo, di ka yayaman. HINDI TAMAD ANG PAPA KO. Pero ang tanong bat di kami yumaman? Bat kahit gumanda man lang ang estado namin, di nangyari? Konting kwento muna about sa papa ko. Elementary grad lang si Papa. Laking probinsya sya at di na bago ang mga kwentong katulad nya na biglang lumuluwas ng maynila. Steel fabricator sya ngayon sa isang shop na pagmamay-ari ng isang intsik. PUta yung intsik na yon kasi minsan nagsasabi sa amin si papa na minumura sila ng amo nila bago sila maka-cash advance. tapos 300 lang ang pinaka mataas na mababale nila. SA ganung setup pa lang naaawa na ako sa papa ko. Lagi nagoovertime si papa. Pumapasok kahit may sakit. Matanda na rin si papa. Napapadalas na may nararamdaman syang masakit. Umuuwi nga si papa minsan na dumudugo ang ulo, paa, kamay, mga paso sa kung saan saan kasi mabibigat na bakal yung trinatrabaho nila. Tapos tangina, mumurahin pa ng amo nya. Ilang taon na lang magreretire na rin sya at panalangin kong maabutan nya akong grumaduate kasi para sa kanya at kay mama kung bat natitiis kong magaral at para sa kanila ang pangarap ko. At para sa amo nya, "TANGINA MO, MAY KALALAGYAN KA RIN!". So bale kaya di namin nararamdaman ang sahod nya kasi nauubos na sa kaka-cash advance, bayad sa loans, sss, pagibig, etc. na sa ngayon ay di ko pa lubos maunawaan kung para saan ang mga iyon. Di kami showy sa pamilya pero simula nung college ko, Yakap ang nireregalo sa akin ng papa ko every new year. Proud ako kahit na ganito ang naging setup para sa papa ko, Sya ang naging papa ko.
Trivia tungkol sa papa ko: Di sya natutong humawak ng cellphone kahit yung 3210 na nokia hanggang ngayon. Happy Fathers' day PA kahit di mo to mababasa!
Ito pa; Imbes na january ang new beginning month ko, June ko mas feel ang pagrerestart. Ewan. Mas nabibigyan ako ng chance kung itutuloy ko ba ang old self ko or magbabago ako ng style kasi pagjune, pasukan na. Bagong kaklase. Bagong sched. June lang ulit magkikitakita ng old friends sa school.
Espesyal din para sa akin ang june. Birthmonth ko kasi ang june. Gemini kiddo. Wala lang. feeling ko na ang cool lang pag June ang birthmonth mo. So cool ako sa palagay ko.
Hindi ko na isasama dito yung mga kwentong pagibig ko ng june. Hahaha yung pagkakagusto ko kay ganito noong june, tapos na kami ni ano noong june, at kung ano ano pa.
Ikaw kamusta june mo?
Hunyo/Mahal mo pa ba?
Hunyo pa ba?
Bakit lumalamig na ang hangin
At dumadalas ang pag-ulan?
Puro tilamsik na ng putik
At madalas nang nagkakasakit.
Mahal mo pa ba?
Bakit nawawala nang alab ng pag-ibig
At napapadalas ang pagluha?
Mantsado na ang pagsasama
At ang isa't isa'y puno ng hinanakit
🎈🎊Happy Birthday Ate Malou! Yohooo! 🎇🎉🎂 . . . . . #hunyo #katorse #cf session (photo taken:6/15/17 thu)