Breakfast habang buhay.
Every day, since nagwork from home ako, lagi akong dinadalhan ng asawa ko ng breakfast at perfect temp na kape. Perfect temp kase hindi ako marunong uminom ng kape na mainit. Kailangan tama yung lamig para hindi ako mapaso at saktong init para hindi agad lumamig habang kumakain ako.
Minsan lang hindi. Bilang sa kamay at kadalasan ang dahilan ay kung nauuna akong kumuha dahil nagutom ako ng mas maaga or kapag late na s'ya nagising papunta sa work n'ya.
Araw-araw. 5 am ang shift ko kaya minsan, wala pa ako sa mood na magbreakfast. Sa pasok naman n'ya na 8 am, sakto gutom na ko kapag magprepare na s'ya para umalis.
Salamat sa Dios kase ganito pa rin ang commitment sa akin ng asawa ko kahit na 6 years na kaming kasal, 12 years na kaming magkasama. Kahit magkagalit kami, hindi n'ya yun makakalimutan. Kahit na busy s'ya sa baby namin, pinipilit n'ya yung punan. Maliit na bagay siguro para sa iba pero ang ibig sabihin ng deed na to para sakin ay, "Mahal, kumain kang mabuti para kapag kailangan mo nang harapin ang mga kalbaryo ng araw na ito, may lakas ka."
Breakfast habang buhay.
Payo: Kapag nahanap ka ng taong willing magcommit sa'yo at willing i-put into actions ang promises n'ya, ingatan mo s'ya. ü











