MOVING FORWARD
#2
Bes, Maganda ang SP. Try mo!
(LovelyPsyched)
Bes, alam mo ba ang SP? Maganda ang SP lalo na kung isa kang Pilipino. Exciting at mapa-AHHHH! ka sa klase kase relate much dahli tayong pinoy naman ang paksa. Ay teka, di kona nasabi kung ano ang SP, Sikolohiyang Pilipino Bes.
Ang Sikolohiyang Pilipino ay sikolohiyang patungkol a kaisipan at oryentasyong Pilipino. Ito ay para mas mahigit na maunawaaan ng isang Pilipino ang kanyang sarili maging ang iba, pagkapilipino at upang mapaunlad ang buhay. Ito ay tumutukoy sa mga katutubong konsepto na amg mga salita ay galing sa Pilipinas, ang kapwa at iba pang sikolohiyang konsepto ng mga Pilipino. Alam mo na Bes.
Nakaktuwang pag-aralan ang SP Bes. Ito ay masasabing gawa ng Pinoy para sa mga Pinoy. Oh diba Bes? Swak sa atin ito kaya tara magSP kana. Dito mo talaga malalaman ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
Bes, mahal mo ba ang kapwa mo? Bes, may kapwa theory sa SP. Alam mo ba na ang kapwa ay hindi lang kapwa? Patungkol sa dalawa Bes, ibang tao at hindi ibang tao. Sa ibang tao, pakikitungo, pakikisalamuha, pakikilahok at pakikisama ang ginagamit. Kapag hindi ibang tao,(partikular pamilya, kaibigan, karelasyon) pakikipalagayang loob, pakikisangkot at pakikiisa. Oh diba ? Pak na pak. Akala lahat pwede basta kapwa mo, hindi pala. Salamat sa SP.
Bes, nasa SP din ang konsepto at bansag na ginagamit natin sa pangaraw- araw. Bes labing siyam nga ang mga iyon eh. Malas. Naniniwala kaba sa malas ? Ano ang pinaniniwalaan mong pamahiin? Na baka pag hindi sinunod mamalasin. Sabe sa SP, ang tao ang gumagawa ng kanyang kapalaran kaya walng may malas at swerte at wala din naman masama kung maniniwala basta huwag lang sobra. Bes masama ang sobra diba? Bes tinalakay din ang barkada. Masaya ang may barkada diba ? Sa SP, tinalakay na mahalaga ang barkada, ito ang tinawag natin mga Pilipino sa atin mga kaibigan. Tinalakay din akonsepto ng kilig Bes. Ang sarap kiligin diba Bes? Pero mahirap kapag sa pag-ihi ka nalang kinikilig. Sa SP, walang konkretong kahulugan ang kilig sa Ingles, kaya Bes pang atin lang ito. Bes, meron ding kapal ng mukha, lakas ng loob, lagay, suki, kurapsyon, kulam, pasma at usog, gaan at gana. saya, ligaya at ginhawa, tagasalo, dading, biro, lambing at tamppo, masa at iba pa.
Bes, sa SP din ang loob at labas. Hindi yung simple at lieral na kahulugan ha. Ang mga ito ay sikolohikal na konsepto. Kumbaga kung ikaw, ang mag katangian o aspeto na hindi mo ipinapakita sa iba ay ang iyong nasa loob samantalang ang mga ipinapahayag mo sa iba ay ang labas.Ang loob ang nagpapakita ng pagkatao, sa isp, bait at kalooban. Habang ang labas ang sumasalamin sa katauhan, ang kamalayan, dama at ugali.
At isa pa Bes, nasambit mo na ba ang salitang, “bahala na”? Naranasan ata naramdaman mo na ba ang hiya? Nagkarron ka naba ng utang na loob? Magaling kabang makisama? Marunong kaba makiramdam? Pwes kung oo, Bes meron niyan sa SP. Oh taray diba ?
Diba Bes interesting? Pagkatapos ng kursong SP, mauunawaan natin ang ating sarili, kapwa at ang Pilipino. Kakaiba tayong mga Pilipino diba? Kaya sa SP, Siguradong Panalo ka dahil ito’y Samga Pilipino. Bes madaling makakatulong sayo ang SP lalo na’t isa kang Pilipino. Magkakaroon ka ng persepyon sa kung ano ang kahalagaahn at kadahan ng pagiging isang Pinoy. Kaya magSP na Bes, maganda ito. Try mo na.



















