Spirit of the Coin pt. 1 of 4
Title: Spirit of the Coin ft. Mabinaldo, Gresca & Bonizal
Part 2
Halloween na daw kasi. Mandatory katatakutan/kalokohan fic. Anyways, inspired sa mga kalokohan sa chat room doon sa may chatzy ng Hen Luna fandom dati pa.
Wala talagang established AU itong fic na ‘to. Basta Modern AU. Isipin niyo na lang na para siyang skit sa Bubble Gang o kagaya sa Ilustrado problems para masaya. Obvious naman siguro na medyo crack-fic ‘to siguro? Anyways, pagkatapos nito babalik nako sa mga fics kong iba.
WARNING: May mga usapang lasing kaya may mga part na puro mura at kalokohan
Sabi nila ang mga lasing daw ang may mga pinakamagagandang ideya. Ang Roman Coliseum, ang mga brief at panty, pati na rin ang pag-inom ng gatas mula sa mga kalabaw ay ang mga halimbawa ng mga ideya ng isang taong nakasobra na ng alak sa katawan.
At least, iyon ang sabi ni Rusca sa mga kapwa kainuman.
“Kasi naman pre, sino bang matinong tao ang iinom sa dede ng kalabaw?” sabi ni Rusca na pulang-pula ang pagmumukha.
“’Tangina, malay mo nauhaw siya.” Sagot ni Jose na tinaas pa ang hawak na beer na akala mo’y nagle-lecture na propesor.
Kamuntikan na ni Goyong mabuga ang nainom na beer. Lumingon siya kay Jose at napasabi ng, “Puñeta pag nauhaw ka ba dedede ka sa pinakamalapit na hayop na makikita mo?! Tangina pano may uod yan”
“E puta may dede ba ang uod?”
Nakisingit si Rusca. “Putang Ina pwede namang iba!”
Muling nagsalita si Goyong. “Ano iinumin ko, ihi ko?! Tangina kadiri!”
Hindi man uminom si Joven ay pakiramdam nito ay parang nalasing na rin siya sa sobrang tawa na nagawa sa pakikinig lamang sa mga nalasing na mga kabarkada.
Bilang selebrasyon sa katatapos lang ng kanilang semester ay napagdesisyunan nila na mag-inuman sa bahay nina Jose Bernal. Ang kanilang unang plano ay ang maga-outing sila sa Kawit ngunit dahil sa iba-ibang mga dahilan (“Next time na mga pre, may date ako e,” “Wait guys sumali ako sa Ensaymada Eating Contest ang sakit ng tiyan ko. ’Tangina talaga ‘pag di pa ako nanalo ng Guinness World Record sa pinakamaraming nakaing ensaymada sa loob ng isang minuto nito.” “Brads wag ngayon tinago nanaman ni Kuya wallet ko para di raw ako gumastos ng marami.”) kaya’t ngayo’y nakaupo sa sahig sa harapan ng TV at ng coffee table at nagpapakasaya sa ligaya na dala ng alak.
Base sa takbo ng usapan ay talaga namang walang magsasabing hindi sila nage-enjoy.
Habang pinipilit na tinatanggal ni Jose ang hindi kanais-nais na imahe sa paglalaklak ng isang bote ng San Mig at si Goyong naman ay tumatawang malakas, kumagat si Rusca ng ensaymadang dinalang pangpulutan (na wala namang kumakain kundi siya), tahimik, na waring biglang may naisip. Tiningnan nito si Joven na pumapapak ng mga mani (ang tunay na pulutan). “’Ven ‘me tanong ako.”
“Anong lasa ng ihi?”
“Putang ina Rusca!” malakas na sigaw ni Jose.
“E tangina kayo nag-open nun!” depensa ni Rusca na humarap sa mga kaibigan sitting straight pa habang si Goyong ay mukhang mapapahiga sa sahig sa tawa.
Napapa-iling si Joven habang tumatawa habang pinapahid ang mga luha sa kaniyang mga mata, at hindi sinasadyang mapunta ang atensyon sa Hello Kitty na orasang nakasabit sa dingding. Maga-alas dose na, ang sabi nito.
Biglang nagkaroon ng ideya si Joven. “May alam din akong nago-open pag alas dose na.”
Pulang-pula man ang mukha ay nagawa ni Goyong na magmukhang seryoso… medyo. “Joven kung iniisip mong dadalhin ka naming sa strip club—“
Namula rin ang pagmumukha ni Joven, ngunit hindi dahil sa pagkalasing. “H-hindi ‘yun!” Itinuro nito ang orasan. “Tingnan niyo alas dose na. Sabi nila’y pag alas dose raw ay nagbubukas ang daluyan ng Kabilang Mundo lalo na’t hindi nalalayo ang undas.”
Tatlong pare-parehong naguguluhan na pagmumukha ang naging kaharap niya.
“Tangina biglang naging deep yung pagta-Tagalog mo a.” kumento ni Rusca at kinagat muli ang ensaymada.
Tiningnan ni Jose si Rusca. “Pre, Journ yan. Nangyayari talaga yan sa kanila. Magugulat ka na lang mamaya magsasalita ‘kala mo si Rizal yung kausap.”
“Undas na pala?” Kinamot ni Goyong ang likuran ng kaniyang ulo na hawak hawak pa yung beer kaya’t may mga natapong likido sa sahig. “’Di ko feel.”
Kumuha ng isang pirasong mani at inihagis sa ulo ni Goyong at lumanding sa buhok nito at din a bumaba. “E ‘pano pag sinabi ni Undas na ‘di ka rin niya feel?”
“Tangina chix ni Undas a. Sa gwapo kong ‘to.”
Napailing na lang uli si Joven at tinuon na lang muli ang atensyon sa mani, nang biglang tumayo si Jose at pumunta sa may gawing kwarto nito banda, at ang tatlong naiwang nakaupo ay nagkatinginan, pare-parehong naguguluhan. Hindi rin naman nagtagal dahil bumalik din agad ang kanilang kaibigan na may bitbit pang Illustration board at Pink na highlighter.
Iniabot ni Jose ang binitbit kay Joven at muling umupo sa kaninang puwesto nito, sa gitna ng TV at ng coffee table. “’Ven pasulat naman.”
Ipinatong ni Joven ang illustration board sa kaniyang naka-cross na mga binti at binuksan ang kulay pink na highlighter. “Anong isusulat ko?”
“Love letter daw para sa kaniya,” sambit ni Rusca na may pataas-taas kilay pa at gumawa ng munting puso gamit ang dalawang kamay. “Aldub you~”
“Tangina iba na lang ‘wag ako.” Hinila ni Jose ang medyas na dalawang araw na niyang sinusuot at hinagis sa mukha ni Rusca na saktong tumama sa bibig ng tumatawang kaibigan, pagkatapos ay humarap kay Joven. “Magsulat ka ng pang weegee board.”
“Ha?”
“Yung may one to ten tapos may alphabet tapos Yes or No. Yung ginagamit pang kausap sa mga patay.”
“Gago Ouija board tawag don.” Sabi ni Goyong sabay batok kay Jose. “Ba’t mo naman naisipang mag-Ouija board?”
“Eh sabi ni Joven na open daw minded daw siya e.”
“T-teka! Wala akong sinabing ganiyan!” Protesta ni Joven, ngunit tapos na niyang isulat ang mga kinakailangan para sa isang kunwari Ouija board, ang 12345678910, abcdefghijklmnñngopqrstuvwyz, at ang YES NO nito, may mga kaunting palinyang design pa nga sa gilid. “Ang sabi ko lang ay bukas ang daanan sa Kabilang Mundo. ‘Di ko sinabing tumawag tayo ng patay!”
“Ayos, tara tawag tayo ng namatay sa pag-inom ng ihi nila.” Tuwang-tuwang sabi ni Rusca na kinuha ang kunwaring Ouija board kay Joven at ipinuwesto ito ng malayo kaunti sa coffee table na pinaglalagyan ng kanilang pagkain at pulutan.
“Tang ina Rusca di ka talaga titigil diyan sa ihi mo?!” muling reklamo ni Jose, pero lumipat na rin sa tabi ni Rusca habang si Goyong naman ay gumoyong (gumulong) papunta sa nilipatang pwesto (siguro masyado nang lasing para magkaroon ng pake) at si Joven naman ay no choice kaya sumunod na rin at naging puwesto nila ay ang tig-iisang side ng illustration board.
“Pa’no natin ‘to gagawin?” Tanong ni Rusca at tiningnan isa-isa ang mga kaibigan.
“Sigurado talaga tayong gagawin ito?” ani ni Joven, at gaya ng inaasahan, ang sagot ng tatlong nakainom at isang mukhang nagtataka. Nagbuntong hininga ito. “Pwede natin gawing spirit of the glass.”
“’Wag yun, isa lang baso naming glass. Shot glass pa.” Angal ni Jose. “Baka kunin ng multo yung mga isha-shot natin. Nagsaboy na nga tayo nung kabubukas lang natin.”
“Baka ‘di counted yun kasi sa mukha ni Rusca natin sinaboy?” sabi ni Goyong.
Nag-suggest uli si Joven. “Pwede ring Spirit of the Coin.”
“Uy sakto!” mula sa bulsa ng kaniyang shorts ay dumukot si Rusca. Paglabas niya ng kamay niya ay hinagis ang nakuhang isang limang piso sa gitna ng board. “Pambibili ko sana yan ng Coke Sakto.”
“Wala na kayang Coke Sakto.” Mabilis na kontra ni Goyong. “‘Loko mo naman kami.”
“Ako ang nangloloko? Nagsalita yung nang-Indian nung dalawang babae—“
Pinagsisiko ni Jose ang dalawa. “Huy mamaya na kayo maghashtag hugutan. Kailangan bang madilim dito?”
“Siguro,” sagot ni Joven. “Yun yung nakikita ko sa TV. Pero may mga kandila naman sila, kasi.”
“’Wag na lang patayin tapos… teka, pwede na ba yung candlelight app sa phone?” Inilabas ni Goyong ang kaniyang smartphone at binuksan ang nasabing app. Inilapag niya ito sa harapan niya.
“Ayos, okay na ‘yan!” Excited na sabi ni Rusca. “Okay pa’no ba natin sisimulan ‘to? Maghoholding hands? Magdadasal? Magsasakripisyo ng virgin—sino sa inyo mas virgin, si Jose o si Joven?”
Itinaas ni Jose ang gitnang daliri kay Rusca, na tinawanan lang ito. Si Joven naman ay iniayos ang barya sa gitna ng board at ipinatong ang dalawang daliri sa pera, at di nagtagal ay sumunod na rin ang tatlo.
Tahimik ang kapaligiran, liban sa ingay ng electric fan at ang mga pusang nag-aanuhan sa labas.
Huminga ng malalim si Joven at isa-isang tiningnan ang mga kaibigan. “Kung hindi ako nagkakamali ang una nating itatanong ay may espirito sa paligid natin.”
“Counted ba yung mga beer at Emperador?” sabi ni Rusca.
Mabilis itong binara ni Goyong. “Gago, corny mo.”
Itinuon ni Joven ang atensyon sa board. “Tabi-tabi po—“
“Akala ko espirito yung kakausapin natin, ‘di engkanto.”
“May espirito ho bang umaaligid sa paligid namin?”
Sabay-sabay nilang tiningnan ang kanilang mga daliri na nakapatong sa barya.
Naghintay sila ng may mangyari. Nagbilang sila ng mga segundo. Isa… Dalawa… Tatlo…
“Baka counterfeit ‘tong limang piso.” Bulong ni Rusca.
“’May made in China bang limang piso?” pasagot rin na bulong ni Jose.
“Porket counterfeit made in China agad. Pre, racist!”
“Shhhh!” saway ni Goyong.
Umabot ng sampung segundo (nagbilang si Joven!) bago nagkaroon ng pagbabago.
Ang limang pisong magaang pinatungan ng kanilang mga daliri ay gumalaw, dahan-dahan…
“Tangina sinong gumagalaw niyan?!”
“Puñeta ka Rusca ‘pag ikaw ‘to.”
“Putang Ina bakit ako? Baka si Joven!”
“Hindi ah!”
… patungo sa titik O.
“… ‘di ba answerable by Yes or No yung tanong mo?” bulong ni Jose kay Rusca.
“Baka ayaw niya lang mag-English?” suggest ni Goyong.
“O sige ako naman! Nakitim ka na ba ng i—“
“Punyeta ka Rusca ‘pag tinanong mo yan.”
“Tangina ano tatanong ko? Kamusta lovelife mo bebe ko?” Ni-rolyo ni Rusca ang mga mata niya. “E ikaw kaya mag-isip ng tanong.”
“O sige.” Panandaliang napatahimik si Goyong habang kinakagat ang labi. “O sige heto, ‘Ikaw na ba si Mr. Right--?”
“Tangina mas corny ka talaga sa’kin.”
“E kung ako kaya magtanong?” sabi ni Jose. “Total bahay ni Kuya ‘to.”
“Hindi,” umiling si Rusca. “Dapat si Joven kasi siyang pasimuno nito.”
Mabilis na namula muli ang pagmumukha ng pinakabata sa tropa. “Teka bakit ako? Kayo na lang.”
Nagkaroon ng munting bangayan ang mga magkakaibigan. Bangayang pabulong, ngunit bangayan pa rin.
Masyadong nakatuon ang pansin nila sa kung ano ang tatanungin kaya’t hindi na napansin ng apat ang usok na lumalabas mula sa barya. Ang usok ay gumagapang na parang ahas sa sahig nagpupunta sa iba’t ibang direksyon, iniiwasan ang mga katawan ng mga binata, hanggang sa ito’y nagkumpulan sa likuran ni Joven, unti-unting kumakapal, dumadami, tumataas, at nagkakaroon ng porma. Porma ng isang tao, kundi lang dahil sa napakaputi nitong histura. Isang matandang lalaki, nakasuot ng puting suit na may napaka-cool na itim na bowtie. At mukhang galit na galit ito.
“Pendejo! Mag desisyon nga kayong mga bata kayo!”
“TANGINAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!”
“KUYA MANNY!”
“…meep.”
Halos sabay-sabay na nagsitanggal ng mga daliri sa barya ang apat at mabilisang nagsikumpulan sa pinakasulok ng sala, kung saan nakalagay si Joven sa pinakalikod habang nagyayakapan ang tatlong lasing, na mukhang biglang nawala ag kalasingan.
Masama ang tingin ng lalaking nakaputi sa apat, na hindi nalalayo sa pagmumukha ng isang matandang ginising mo sa kaniyang siyesta.
“Ano ba kayong apat? Tatawag-tawag kayo ng kaluluwa hindi niyo man lang gagawin ng maayos.” Napa-iling ito ng ulo at tinalikuran ang apat na parteng natatakot, at parteng nagtataka kung epekto ba ito ng kalasingan (si Joven na hindi uminom ay napapaisip kung nakakahawa ba ang pagkalasing). Nilapitan ng kaluluwa ang coffee table na puno ng alak, mani, at ensaymada. Sumimangot ito. “Mga lasinggero ang tumawag sa kaluluwa ko, puñeta.”
“Tangina choosy pa.” biglang nasabi ni Rusca, na biglang nawala ang takot ang pagkagulat at napalitan ng inis. Inis dahil nagmukha siyang weak sa lakas ng tili niya kanina at dahil sa masama na tingin nito sa mga ensaymada niya sa mesa. Kaya’t tingingnan niya rin ng masama ang parang walis na pinlantsang buhok nito.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ng kaluluwa, at kung hindi lamang sa pagkaputla ng kaniyang balat ay masasabing namula ito sa galit. Tinuro nito si Rusca. “Mag-ingat ka bata, hindi mo kilala ang kinakausap mo.” Ang boses nito’y malamig, nagbabanta.
“E ikaw ba, kilala mo kausap mo?” singit ni Goyong na kahit na natatakot dahil tangina may multo sa harapan nila ay nagalit pati dahil sa pagbabantang ginawa nito sa crush, este, kaibigan niya.
Hindi sumagot ang kaluluwa at nagbuntong hininga (“’Ven, ‘di ba patay na ‘yan, bakit huminga siya?” “’Di ko rin alam Jose.”). “Talagang mahirap makipag-usap sa mga lasing.” Mukhang nawala na ang galit niya. “Sigurado kayong hindi niyo nakikilala ang pagmumukhang ito?”
“’Me hawig ng kaunti kay Mon Confiado pag pinatanda.” Komento ni Jose, medyo kalmado na ng kaunti.
“K-kaunti lang.” dagdag ni Joven, hindi na takot, curious pa nga, sa totoo lang. “Lamang lang si Mon ng dimples.”
Nag-facepalm ang multo at. “Ang mukha ko’y nasa baryang ginamit niyo, ‘wag niyo sabihing ‘di niyo ako kilala.”
Nagkatinginan ang apat. Isa lang ibig sabihin noon siya’y…
“Personification ng Bangko Sentral ng Pilipinas?!”
“Uh, si Emilio Aguinaldo yan.”
Nang nasabi ni Joven ang pangalan ay napangiti ang kaluluwa, lumakad papunta sa isang upuan na may Winnie the Pooh na punda at umupo ng direcho. “Oo, ako ang dating Presidenteng Emilio Aguinaldo y Famy.”
Sa pagdeklarang ito ay nagkaroon ng katahimikan, hindi lang sa loob ng bahay, kundi na rin sa labas. Mukhang tapos na mag-anuhan ang mga pusa.
“… E di wow.”
“Ano?”
Dahan-dahang tumayo si Rusca at kumibit-balikat. “E ‘di wow.” Ulit niya at nilapitan ang mesa para kumuha ng ensaymada at kinagatan ito. “Ikaw si Emilio Aguinaldo e di wow.” Nawala na rin ang galit niya, pero hindi pa rin nito gusto ang buhok ng nagpapanggap na ang lumang president kuno. “Kahit sinong multo mapunta sa ‘min tapos si Aguinaldo pa? Tangina e di wow.”
“Aba’y kay bastos—“
“Patunayan mo!” dagdag ni Goyong na napatayo na rin. “Kung ikaw nga si Aguinaldo, sabihan mo kami ng isang bagay na hindi alam ng kahit sino.”
Inirolyo ni Emilio-kuno ang kaniyang mga mata. “Hindi ko kailangang patunayan ang sarili ko sa inyo.” Sabi nito na sumandal na sa upuan at napapatong ng ulo sa palad ng kaniyang kamay na nakapatong sa armrest. “Ang kailangan ko lang gawin ayon sa batas ng kabilang mundo ay lumabas kapag tinawag at hintayin at umasang pabalikin ninyo ng maayos. Hindi niyo nga ako natawag ng maayos, ang pagbalik pa kaya?” Muli, siya’y nagbuntong hininga. “Ano nanaman ba itong napasukan ko.”
(Cut kasi mahaba. Upload ko yung susunod bukas ng gabi rin. Inaantok na ako. )












