Q1: Paano ka nga ba talaga makaka-ipon ngayong 2017 ?
1. Golden rule: Buy only what you need. Yung kelangan mo lang muna.
2. Make a list. Ilista mo na kaagad yung mga kailangan mo for the whole YEAR para alam mo na yung pagkakagastusan mo, madali mong mababudget ang pera mo.
3. No watching on cinemas na muna. Matutong maghintay ng torrent, ang mahal din ng isang movie ha. Sa bahay na lang yayain si boyfie or gf para mas romantic at tipid.
4. Wag na muna kumain sa mga restaurants, or mga fast foods. Matutong i-appreciate ang luto ni nanay.
5. Wag na muna rin gumala. Wag na muna sumama or magyaya ng mga galaan nagtitipid ka bes, kahit libre wag din, ma-oobliga ka lang ilibre sya in return. Saka na lang kapag pyestahan, dyan ka pakasawa ng pagkain.
6. Pero kung gusto mo talagang gumala or gumastos, i-reserba mo yan dun na sa end of the year, sa 13 month pay mo para bonus, extra money yun eh. Hindi mo yun isasama sa mga dapat mong tipidin (Pero pwede din naman). Isa pa mura na yung mga travel and tours package dun kaya masusunod sunod mo yun. Sunod sunod na rin ang mga sales dun kasi naguubos na ng stocks sa mga stores.
and syempre last but should be the first..
7. MAGING CONSISTENT KA! Kung susundin mo to dapat seryosohin mo, hindi yung magaling ka lang sa una kagaya ng ** mo. (Peace! haha)
Q2: Eh yung perang maiipon mo san mo gagastusin?
Edi dun sa mga ULTIMATE GOALS mo. Like kotse or bahay or business or out of the country trip or ipunin mo ulit next year then repeat!












