Hindi naman masyadong trending dati yang mga iskwater na yan. Pero dahil parami na ng parami ang lahi nila kada araw, at parami na rin ng parami yung mga gustong magpatayo ng ganto ganyan sa mga lugar na tinitirahan ng mga bebe skwaters naten, away away away na 'to!
Totoong nakakabadtrip sila. Silang tumitira ng libre, silang bina-baby ng gobyerno natin. Nakakabadtrip na hindi sila nagtatrabaho, para magkaroon ng matinong bahay. Nakakabadtrip na sila na 'tong mahihirap, sila pa 'tong nagpapadami nang nagpapadami nang nagpapadami ng lahi. Nakakabadtrip na sila pa 'tong matatapang kada na lang may demolisyon. (At nakakabadtrip na jebs ang ibinabato nila sa demolition team amba-baboy puta)
Pero nakakaimbyerna lang ang gobyerno. Silang hindi nagbibigay ng sapat na pa-trabaho para sa mga tao. Nakakaimbyernang mas pinili pa nilang bigyan ng 18,000 ang kada pamilya ng iskwater kesa lutasin ang problema sa kulang na pa-trabaho dito sa Pinas(or until recently, Finas). Nakakaimbyernang itatago nila ang mas marami pang ugat ng problemang 'to sa 18,000 na ipapansilaw nila sa mga mahihirap.
"Bigyan mo sila ng isda, mabubusog mo sila ng pang-isang araw. Turuan mo sila mangisda, mabubusog mo sila ng panghabang-buhay at hindi ka nila kakailanganin. Mawawala nag kamngmangan nila at hindi na sila magiging inutil. Wala ka ng kapangyarihan. Kaya, bakit mo sila tuturuang mangisda?"
Sana ma-gets nating lahat na hindi lang naman 'to tungkol sa mga iskwater. Sana ma-gets nating parte pa lang 'to ng mas maraming plano ng gobyerno nating paikutin tayo.
Sana ma-realize nating lahat na dapat lahat tayo, may sariling responsibilidad sa pagka-Pilipino. Dapat iangat natin ang indibidwal na antas ng pamumuhay natin, para din umangat 'tong Pinas.
Again as cliche as everything goes, kung hindi ngayon, kailan? Kung hindi tayo, sino?