Where I truly feel at home.
Saan naman? Edi sa IV-2 :) Doon ko naranasan na maging genuinely masaya araw-araw. No matter how down ako, pagkarating ko sa classroom, masaya ako. Mas marami akong naging kaibigan sa IV-2. Mas marami akong nakakapalagayan ng loob, mas marami akong nararanasang tawa at mas nagiging active ako.
Nabasa ko kasi yung post ng kaklase kong tumblrista din. Gusto ko lang i-post kung gaano ko na-appreciate ang mga kaklase ko ngayon. Noong una kasi natatakot ako sa kanila kahit dati ko pa silang naging kaklase pero ngayon, ka-close ko pa rin sila. Masaya pa rin sila kasama, hindi nila ako nakalimutan. Yung simpleng pang-aasar nila ng "Ano ga to, parang hindi naging magkaklase nung first year" Natutuwa ako kasi hindi talaga nila ako nakalimutan.
Madali kong nakapalagayan ng loob mga kaklase ko. Mas ka-close ko pa nga yung mga bago kong naging kaklase kesa sa dati kong mga kaklase eh. Compared sa mga ibang years ko sa school, itong last year na to ako naging truly masaya. As in masayang-masaya. Mas marami ako na-achieve ngayon. Dahil sa kanila, naranasan ko magkaroon ng mga kaibigang nag-iisip talaga sakin.
Maraming salamat. Aminado naman akong takot ako sa inyo dati kasi baka wala na akong maging ka-close pero eto, maingay pa ako! Dati kasi ang tahimik ko pero ngayon X2 na ang ingay ko, napapagalitan pa ako minsan ng mga teachers! Hindi enough ang thank you pero thank you pa rin (Ga daw? hahaha) Salamat kasi ang dami kong naranasan sa inyo. Alam kong hindi pa tayo ga-graduate pero gusto ko na sabihin sa inyo to. THANK YOUUUUU!! Mami-miss ko pagiging ma-kwela ng mga boys at tawanan ng mga girls. Mami-miss ko ang mga jokes sa klase, kaingayan natin, malalakas na trip at tawanan.
Marami akong unforgettable experiences sa inyo. Dito ako nakatagpo ng mga kakaibang tao (hindi tipong alien, ha? basta, parang one of a kind) Thank you talaga sa inyo :) You made my last year the unforgettable year. Asa pang makalimutan ko ang make-kwela kong mga kaklase! HAHA.
Sa mga dalawa pong kaklase kong lalaki na hindi ko nakahiwalay ng section kahit kailan... seriously, forever stuck na tayo no? HAHA. Kasawa na eh. De joke, masaya akong naging kaklase ko kayo. (Yiiee, bhest at shujin, happy na kayo! Flattered na yaannn) Sa seatmate ko na super ka-close ko at kung bakit ako nagiging maingay, ehem, salamat kasi nasasabihan kita ng problems. Okay lang sa'yo na maingay at madrama ang seatmate mo kahit lagi kitang hina-hard o hinahampas! HAHAHA. Yae na, ikaw naman ang asian superstar!
As in never, ever ko kayong makakalimutan. Sa inyo ako nag-simula, sa inyo rin ako magtatapos hahaha. (Consistent lang?) 1-2 to 4-2? HAHAHA! Masaya talaga akong kayo ang kasama ko :) Mga kaklase kong malalakas ang trip, salamat. Pati sa mga memories, salamat. Labyu guys :)
Sa mga naging kaklase ko na dati, salamat kasi di niyo ako nakalimutan. Sa mga first time ko naging kaklase, salamat kasi syempre, naging kaklase ko kayo, naging kaclose at kulitan :) Thank you.
PS. Ang haba na nito, tatamarin kayo basahin. Basta, labyu guys haha! Minsan lang ako mag-sabi ng labyu sa iba. HAHAHA.
PPS. Sensya na at ma-drama ako. HAHA, wag niyo na ako asarin, aminado naman akong drama queen kahit papaano.
PPSS (Jules and Ronald).Salamat ha? Hanggang 4th year stuck with each other tayong tatlo! HAHA,di ba kayo nagsawa sakin, ako'y sawa na eh. De joke, masaya akong kaklase ko kayo. Consistent tayo X)
Hay, salamat at nakarating ka dito sa dulo. Maaaring hindi kita kaklase, okay lang. Salamat kasi binasa mo tong appreciation note ko. Mahirap makatagpo ng isang lugar kung saan ka talagang babagay o lulugar. Pero mahahanap mo rin yan, nahanap ko yung akin eh :) At dito yun.