Nag check ako ng “On this day” sa facebook ngayon dahil hindi ako makatulog. Bumungad sakin ‘tong post ko 2 years ago. Tandang tanda ko pa bakit ko naipost to. Grabe. Hanggang ngayon dala dala ko parin ‘to. Hanggang ngayon “May kasalanan parin ako na kailangan ko pagbayaran”.
Very timely talaga yung mga kanta ng ben&ben dahil while checking sa post. Nakikinig ako ng “Di ka sayang” at binulong sakin yung lyrics na..
'Di ka sayang, 'di kailangang manghinayang
'Di ka sayang, 'di kailangang patunayan
Sarili ay mahalaga kahit pa ano'ng tingin nila
Grabe lang. Minsan kakaisip ng mga nagawa natin dahil sa mga paulit ulit na sumbat ng ibang tao sa atin ng mga nagawa natin. Kahit anong bangon mo at gawin mo para makabangon at maitama ang mga pagkakamali nakakalimutan na natin na may halaga parin tayo. Hindi totoo iniisip natin na unworthy na tayo sa pagmamahal kailangan lang natin ng tao totoong tatanggapin tayo at kung ano man mga nagawa nating pagkakamali. Tutulungan tayo bumangon at magbago.
Thankful for ben&ben songs. Kahit anong drama at pagsubok sa buhay andyan sila handang bulongan ako kahit hindi sinasadya, yung mga kanta nila madalas nag papaalala sakin ng mga bagay na nakakalimutan ko na. Yes. Hindi ako sayang at hindi na ako dapat manghinayang. Mahalaga ako kahit pa ano ang tingin nila. Tanggap ko sarili ko at mga pagkakamali ko.
Hindi na hahayaang saktan pa o gamitin nila ang mga pagkakamali na yun laban sakin.