minsan talaga mapapa "ayoko na" ka na lang.
seen from Colombia

seen from Malaysia

seen from Malaysia

seen from Germany
seen from Malaysia
seen from United States
seen from China
seen from China

seen from Singapore

seen from Malaysia
seen from China
seen from Malaysia

seen from United States
seen from United Kingdom

seen from United States
seen from United Kingdom
seen from United Kingdom
seen from India

seen from Malaysia
seen from United States
minsan talaga mapapa "ayoko na" ka na lang.
John Michael
Kilala mo lang naman ako pag may kailangan ka.
Kilala mo lang ako pag may nakita kang bagay na gusto mo.
Kilala mo lang ako pag nasa mall tayo.
Kilala mo lang ako pag kailangan mo ng manlilibre sayo.
Kilala mo lang naman ako pag may kailangan ka.
Kilala mo lang ako pag nababagot ka na.
Kilala mo lang ako pag wala kang makatext o makausap.
Kilala mo lang ako pag wala ka ng ibang mayakap.
Kilala mo lang ako pag may kailangan ka.
Kilala mo lang ako pag alam mong makikinabang ka.
Kilala mo lang ako pag alam mong mauuto mo ako, tangina.
Kilala mo lang ako pag wala ng ibang nakakakita.
Oo, kilala mo lang ako pag may kailangan ka.
Kailangan mo lang ako pag di ka na pinapansin ng iba.
Hanap ka ng hanap ng ibang makakasama
Pero putangina ako naaalala mo lang ako pag nangangailangan ka.
Hindi ako freezer na pupuntahan mo pag kailangan mo ng makakain.
Hindi ako wallet na kakalikutin mo pag kakailanganin.
Hindi ako laruan na pagtapos mong lapirut lapirutin
Ay tsaka mo babalikan pag sobrang bagot ka na din.
Alam mo, ayoko lang sabihin to.
Minsan pakiramdam ko ginagamit mo lang ako.
Mahal? Putanginang pagmamahal yan.
Mahal ka ba kung kilala ka lang pag may kailangan?
Kilala mo lang ako pag may kailangan ka.
At ako naman nagpapauto sayo kasi mahal kita.
Dapat pangalan mo John Michael, diba?
NanJOHN lang pag MICHAELangan ka.
Tama na, nakakatawa din pala ako.
Bibirahin kita ng mga salitang ganito.
Pero bandang huli pag ako'y nilapitan mo,
Tatanungin kita, “Anong gusto mo tara bibilhin ko.”
Ang saya lang na gigising ako sa umaga tapos maghapon tayong magkasama. Maghapong magtatawanan at maghapong mag aasaran. Tapos manonood tayo ng movie na habang umiiyak ako eh humihilik ka kasi naboboringan ka sa istorya. Pag nagising ka naman na, paghahandaan mo ako ng sandwich tapos ako naman yung makakatulog pagkatapos kumain. Pinakamalungkot lang na parte ng araw ko ay yung oras na para umuwi ako. Oras na hindi sigurado kung magkikita ba tayo sa susunod pang linggo o baka sa susunod na buwan na naman kita makita. Namimiss na agad kita kahit ilang minuto pa lang akong nakakauwi.... Miss na agad kita.
Ang Una at Huling Katagang Gusto kong Sabihin Sa'yo
"Crush pa din pala kita.
Oo, ikaw.
Ikaw na nakilala ko dati.
Ikaw na dating kalaro ko.
Ikaw na parating humihiram ng crayons ko.
Ikaw na seatmate ko at parati kong ka row.
Ikaw na minsang isinigaw ang "crush kita" sa classroom.
Ikaw na taga libre ng tagpipisong naka plastic na mani at beans.
Ikaw na kasama kong maghintay sa sundo ko.
Ikaw na tumatawag araw araw at gabi gabi sa telepono namin na kahit pinagagalitan na ako eh mas pinipili kong magkausap tayo.
Ikaw na di nakakalimutang ngitian ako kada mapapalingon sayo.
Ikaw na di nagsasawang patawanin ako.
Ikaw na nasa likod ng nickname ko.
Ikaw na dahilan kung bakit excited akong pumasok lagi sa school.
Ikaw na nagpatibok ng puso ko sa murang edad.
Ikaw na nagparamdam kung paano magmahal kahit di pa dapat.
Ikaw na naging dahilan kung bakit dati gustong gusto kong nagsisimba tuwing alas tres ng hapon pag Linggo at nagno novena tuwing malapit na ang piyesta.
Ikaw na naging partner ko nung naging mama Mary ako.
Ikaw na biglang tumawag para sabihing ayaw mo na.
Ikaw na dahilan bakit natutong makinig sa malulungkot na kanta.
Ikaw na unang nagpaiyak sakin ng dahil sa pag ibig.
Ikaw na unang nagparanas na hanggang kaibigan lang pala talaga.
Naaalala ko yung di ko talaga alam kung bakit masaya ako tuwing nagkakasama tayo.
Naaalala ko na narealize kong crush kita nung napanood ko sa isang palabas na nagkagustuhan yung dalawang magkaibigan.
Inisip ko na baka ganun din tayo.
Inisip ko na baka sa ganun matutuloy yung pagkakaibigan natin.
Inisip ko na balang araw magiging tayo.
Naaalala mo pa ba nung niligawan mo ko?
Sa bahay ng isa nating kaibigan.
Parati mo na din ako nun tinatanong kung pwede ba akong ligawan na kahit wala akong ideya kung ano ang "ligaw" eh umoo ako at hinayaan kang manligaw.
Hinawakan mo kamay ko at masayang binulong sakin ang katagang "i love you."
Naging tayo at dahil di ko alam kung paano mag handle ng relasyon e napalayo ka.
Hindi ko alam na ako din pala dapat lumalapit ng kusa.
Di ko alam na hindi pala sapat yung pagmo movie marathon natin sa bahay ng isang kaibigan tuwing oras ng siyesta.
Di ko alam na dahil dun nawala ka na pala ng tuluyan.
Saglit lang naman naging tayo pero napakalaki ng bahagi mo sa buhay ko.
Ikaw nga kasi yung crush ko, unang crush ko.
Unang pag ibig at unang pagkabigo.
Nang dahil sayo natuto ako.
Natuto akong alamin at siguraduhin muna kung ano ba talaga ang pag ibig.
Natuto na baka may mga bagay talagang hanggang kaibigan lang.
Natutong umibig pa kahit nasaktan na.
Natutong lumaban kahit isinuko na.
Oo, crush pa din kita.
Nakakakilig ka pa din at nakakatuwa.
Pero alam mo nabago?
Yung pagmamahal ay tuluyan ng nawala.
Salamat nga pala sayo.
Salamat kasi kahit saglit lang naging tayo eh naranasan kong mahal mo ako.
Wag kang magalala dahil minahal naman din kita at hindi ako nagsisi.
Ang pinagsisihan ko lang NOON eh hinayaan na lang kitang umalis at iwanan ako.
Pero may mabuti namang naidulot yung pang iiwan mo.
Oo, naipakilala ko na siya sayo.
Yung taong nagpaparamdam sakin ngayon ng mga pinaramdam mo noon.
Yung nagpapasaya sakin ng doble pa sa nagawa mo.
Magkakasama na nga pala ulit tayo no?
Hindi ko pa din maiwasang hindi mailang sa tuwing nagkakausap tayo.
Di ko alam kung kilig o ilang e.
Naiilang ako kasi diba nga crush pa din kita.
Crush kita.
Crush pa din kita pero hanggang dun na lang yon.....
At ayun na siguro ang makabubuti.”
effort. napakaliit na effort. yung simpleng text ng "magandang umaga" o "goodnight." o kaya nama'y "kumain ka na ba?" at "ingat ka pag uwi." simpleng pagtawag para lamang sabihing "namimiss ko na yung boses mo." simpleng pagsundo sa school at paghatid pauwi. pagbuhat ng bag nya. pagpapatawa sa pamamagitan ng korning mga joke. ganun lang naman. ganung effort lang naman yung kaya ko. sana.. sana maappreciate mo. hindi ako yung tipo ng tao na kayang ibigay ang buong mundo sa'yo pati na rin ang lahat ng nais mo. ako lang yung taong puro pangako na balang araw mabibigay ko din sa'yo lahat ng gusto mo at luho. pasensya na... pasensya na kung ganito lamang ako.
Para kina StMaJaDaJo :(
Darating yung point na mamimiss mo yung mga dati mong kaibigan. Di maiiwasan yun. Darating yung point na bigla kang mapapatulala tas magf flashback lahat ng kalokohan nyong ginawa. Simula nung panahong naglasing kayo hanggang sa magkakasamang nag foodtrip kahit sobrang lalim na ng gabi at pinagmumura na kayo ng magulang nyo para umuwi na. Pero lahat yun mananatili na lang sa iyong ala ala na minsan meron kang mga nakasamang gaya nila. Gaya nilang matatapang at malalakas ang loob para ipakitang hindi lang sila basta bastang babae. Sana dumating yung araw na maging okay ang lahat. Alam ko, malabo. Alam ko, imposible. Alam ko na kahit anong mangyari eh di na maibabalik ang dati. Alam ko na kahit anong hingi ko ng tawad at pagpapakababa ko sa inyo eh hindi nyo ako mapapatawad. Ganun naman ata talaga pero kasalanan ko. Sana di ako naging OA nung araw na natapos yung pagsasamahang kasama ako sa bumuo. Kasi alam niyo, sobrang namimiss ko na kayo. Sobrang gusto ko kayong yakapin kada makakasalubong ko kayo sa pasilyo ng unibersidad na pinag aaralan natin. Sobrang gusto ko na ulit kayong makasama at makatawanan, makainuman din kung kinakailangan. Sobrang gusto ko na ulit marinig yung tawa nyo sa lahat ng ating mga kalokohan. Pero wala na talaga. At alam kong hindi na maibabalik pa. Pero sana maisip niyong minsan naging bahagi nyo din ako. At sana maisip niyo din na kahit ako ang may kasalanan bakit ako nalayo sa inyo eh naaalala ko pa din kayo at namimiss dahil ayun ang totoo. Sobrang miss na miss ko na kayong lima. Sobrang sobra.
Ang Nakaraan ay Nakalipas na
Hindi maiiwasang may mga bagay na maling nagawa. Hindi maiiwasang magkamali sa mga pananalita at kilos. Hindi maiiwasang makapanakit at masaktan. Hindi rin maiiwasang makalimutan o maaalala ang nakaraan. Tila yata lahat ng bagay na nagawa mo ay magagamit upang ipangpukol sa'yo. Yung mga bagay na nagawa mo nung matagal na panahon ay pilit ibabalik at pilit ipapamukha sa'yo kung gaano ka kasama at kung gaano ka kawalang kwenta. Masakit. Sobrang sakit. Yung tipong ginawa mo na lahat para lang mapatawad ka niya pero sa tuwing mag-aaway kayo ay ibabalik nya yung maling nagawa mo. Ibabalik niya at muling sasabihing, "pinagmukha mo akong tanga at sinaktan ng sobra." Sa tingin mo ba ginusto ko yon? Maaaring oo pero sobrang tanga ko kasi noon. Ilang paliwanag ba ang dapat sabihin? Ilang mahal kita ba ang dapat bigkasin? Ilang yakap at halik ba ang kailangan gawin para lamang mapatunayang ako'y nagsisi sa lahat ng nagawa kong nakasakit sa'yo. At kung nasabi mong niloko kita at sinaktan noon, noon yon. Kala mo ba magagawa ko pang saktan ka ngayon eh halos ibigay ko na sa'yo lahat ng nais at minimithi mo pati na rin ang sarili ko. Kung nagdudududa ka pa din hanggang ngayon, sige pagbibigyan kita hanggang sa matanggap mong wala na iyon. Darating din naman ang tamang panahon na sabay nating makakalimutan lahat ng pait na pinaranas ng panahon. Hindi kita minamadali, pero kailangan. Hindi madaling kalimutan ang nakaraan, alam ko yan. Minsan kailangan iwanan na lang ang lahat ng masasamang nangyari dahil hindi tayo makakausad at makakabuo ng panibagong ala ala kung patuloy tayong lumilingon sa masasamang nagdaan. Basta alalahanin mo laging mahal na mahal kita at kung nagawa ko mang lokohin ka dati, hindi ko na uulitin yon at ang tanga ko na lang kung gagawin ko ulit yon. Sobrang mahal na mahal kita. Sapat na para masabi kong di na ako maghahanap pa ng iba. Sapat na para masabi kong ikaw lang ang gustong makasama. Sapat na para mailarawan ang hinaharap na tayong dalawa ang magkasama. Wag ka susuko, hindi ako susuko. Wag nating hayaang kainin tayo ng pangamba. Ikaw lamang ang mamahalin. Kung magmamahal man ako ng iba, ikaw pa din.
Andaming nagsasabi na yung relationship namin ng boyfriend ko eh pwedeng tawaging "relationship goals." Bakit? Paano? Saang banda? Ni hindi nga perfect yung relation namin. Puro kami away, tampuhan, asaran, iyakan, murahan. Minsan kaya nagsisigawan kami nyan na parang tanga. Nag aaway ng dahil lang sa tweet o kaya sa isang napakamaliit na bagay. Tapos nagkukutusan kami pag mali yung sinasabi ng isa't isa. Tsaka minsan nagkakapikunan kami to the point na di kami mag uusap ng isang buwan. Oo, isang buwan. Tas pag nagkita kami parang walang nangyaring away. Balik ulit sa kulitan tsaka asaran tas masaya ulit kami. Siguro nasasabi lang ng ibang tao na "goals" yung relation namin kasi komportable kami sa isa't isa. Kasi kahit nagkakapikunan na, bigla na lang kaming natatawa. Kasi kahit umutot sya, sisipain ko lang sya hanggang sa malaglag sya sa kama. Kasi kahit ang gago ng mga ginagawa namin na kahit nasasaktan na kami, pinipili naming kaming dalawa pa rin talaga. Ewan ko ba. Basta masaya. Napakaraming flaws and imperfections ng relationship namin ni Eugene. Di kami perfect couple na laging masaya, laging nagmamahalan, nagyayakapan, nagtatawagan, magkatext, magkatweet, magkausap sa phone ng magdamagan. Wala lang. Swerte lang siguro kami sa isa't isa.