Mula sa isang makulay na selebrasyon para sa ating mga kasama, kaibigan at kapamilya sa Komunidad ng LGBT noong Disyembre 2017, muling magsasama ang inyong lingkod at ang sobrang nakakatawa at napaka-sweet na si Tart Carlos para sa isang Pre-Valentine Concert na handog ni Vice Mayor Janella Ejercito Estrada at Mayor Guia Gomez na gaganapin sa Tanghalan ng Masa ng 6 PM sa Pebrero 13, 2018 (Martes) sa San Juan City. Tayo'y magkita-kita at makinig sa mga nakakabighaning mga musika mula sa mga magagaling na mga mang-aawit tulad ng mga nagwa-gwapuhang mga binata ng 1:43 Boy Band, acoustic sweetheart na si Juris at rockstar ng mga love songs na si Joey G na naghandong ng mga tunay namang nakakakilig na mga kanta tulad ng "Hayop Sa Ganda", "Pasensya Na", "Don't Say Goodbye", "Your Love", "Let The Pain Remain" at "Forevermore". Ibalik ang sarap ng tunay na pag-ibig kaya't maki-saya at maki-kanta kasama ang inyong mga mahal sa buhay ngayong darating na Araw ng mga Puso! ♥️ | #ValentinesConcert #143Boyband #Juris #JoeyG #JanellaEjercitoEstrada #GuiaGomez #SanJuanCity (at San Juan City Hall)















