JULIA MONTES PROUD ‘MOMMA’ NA
https://youtu.be/xrr1XbXTj24
https://youtu.be/xrr1XbXTj24
https://youtu.be/xrr1XbXTj24
Certified at proud ‘momma’ na nga si Julia Montes.
Inanunsiyo nga niya `yan sa kanyang Instagram.
Pero, hindi tulad ng iniisip niyo, o ang tungkol sa matagal nan gang tsismis sa kanya na kesyo may ‘junakis’ na siya kay Coco Martin.
Dahil ang tinutukoy nga na pagiging ‘momma’ niya ngayon ay ang pagiging ‘Plant Momma’.
“Officially ‘Plant Momma’ nga ang caption ni Julia sa mga halaman na ipinost niya sa kanyang IG.
Para nga siyang si Angelica Panganiban na ‘nanay’ na rin ng mga halaman, ha!
Ang pagtatanim nga kasi ang kinababaliwan o pinagtutuunan ng pansin ngayon ng mga artista. Malaking tulong nga raw ito para maibsan ang lungkot na nararamdaman nila dahil sa pandemic.

















