OUUU SHIIII👀👀👀👀👀
This is uhm floradin btw if anyone could recognize

seen from United States

seen from Australia
seen from Martinique

seen from United States

seen from Norway
seen from United Kingdom
seen from Martinique

seen from United States

seen from Türkiye
seen from Martinique

seen from Sweden

seen from Canada
seen from United States

seen from Netherlands

seen from China
seen from United States
seen from Australia

seen from Norway
seen from China

seen from Malaysia
OUUU SHIIII👀👀👀👀👀
This is uhm floradin btw if anyone could recognize
Ang Susunod na Kabanata
Kalayaan. Isang simpleng salita na kung ating susuriing mabuti, ay maraming ibig sabihin, maraming nais ipahiwatig, maraming inuudyok na damdamin. Ano nga ba ito? Kailan ba natin ito matatamasa? Alam ba talaga natin kung ano ang totoong kahulugan nito?
Iba-iba ang depinisyon natin ng kalayaan. At ito ay bunga ng samu't saring pinanggalingan o pinaghugutan. Ang kanyang mga karanasan ang humuhubog sa kanyang mithiin na makamit ang kalayaan. Kung tatanungin ang tao patungkol sa perspektibo niya sa kalayaan, marahil ay iba-iba ang mahihinuhang kasagutan. Para sa isang musmos na bata, ito ay ang maglaro nang maglaro hanggang sa kanyang naisin nang hindi pinagagalitan o pinagsasabihan ng magulang. Ang isang kabataan ay magsasabing kalayaang gumimik o gumala kasama ang barkada abutin man ng dis oras ng gabi. Para naman sa isang nasa edad ng katandaan, ito ay ang gawin ang bagay na matagal niyang ibig, ngunit hinahadlangan ng kanyang pisikal na at pisiyolohikal na katayuan.
Ang mga ito ay ilan lamang sa mga karaniwang pagbibigay-kahulugan sa kalayaan. Sapagkat sa kabilang banda ay may lipon ng mga indibidiwal na patuloy na sumisigaw at dumadaing ng paglaya mula sa tanikalang sa kanila ay nagpupumiglas. Kalayaan ang hiling ng mga taong bilanggo sa likod ng mga rehas - ang ilan sa kanila ay nagdurusa ng ilang taon sa loob ng kulungan sa isang kasalanang hindi naman nila ginawa. Dumaraing ang mga maralitang patuloy na pinapahirapan ng mga kapitalistang mararangya at bihag ng hindi makatarungang sistema ng lipunan.
Ngunit ang konsepto ng kasarinlan ay hindi na bago sa ating sosyedad. Kasaysayan na mismo ang makapagpapatotoo rito. Mahigit tatlong daang taon tayong sinakop ng mga dayuhan - nagpaalila, nagpagamit, at nagsunud-sunuran sa nais ng ibang lahi na namuno sa ating Inang Bayan. Ang pagiging uhaw sa kalayaan at kasarinlan mula sa mapang-aping kamay ng mga Espanyol ang nagdulot sa personalidad nina Andres Bonifacio, Gregorio del Pilar, at ang Katipunan na mag-aklas gamit ang dahas laban sa mga naghahari sa tuktok ng opresibong piramide ng lipunan. Sa pamamagitan naman ng pluma at papel idinaan ni Gat Jose Rizal ang kanyang saloobin upang labanan ang mga mapang-abusong Kastila. Pagpapahayag ito na sa anumang bagay ay maaaring ilabas ng isang tao ang kanyang pagpupumiglas sa opresyon upang maabot ang inaasam na kalayaan.
Hindi rito nagtatapos ang kwento. Ang tagumpay ng ating mga bayani ay tila ba isang kapitulong natapos, at sa sumunod na kabanata ay binigyan ng masalimuot na bungad. Muling sinakop ang Perlas ng Silangan. Sa loob ng mahigit apatnapung taon, tayo ay sinakop ng mga Amerikanong dayuhan. Kung ating ipaghahambing ang antas ng kalayaan na ating natamasa noong panahon ng mga Amerikano, di hamak na binigyan tayo ng kakarampot na pag-asa kumpara noong pagsakop ng mga Kastila. Nabigyan ng karapatang mag-aral ang mga Pilipinong kabataan at nagbukas ang oportunidad para sa pag-unlad at pag-asenso ng ating ekonomiya sa pamamagitan ng mga trabaho. Dumaan ang ilang taon at tayo naman ay pinagharian ng mga Hapon. Marami ang nawalan ng pag-asa na muli pang masisinagan ang maningning na sikat ng araw, sapagkat tila ba pinagsakluban na tayo ng langit at lupa. Hindi ito ang hinihiling na "plot twist" ng ating mamamayan. Sa pakikibaka para sa muling paglaya, marami ang nasugatan, nasaktan, at nagbuwis ng buhay. Subalit hindi ito naging hadlang upang tumayo tayo sa sarili nating mga paa at iwagayway muli ang kulay asul, pula, at dilaw na bandera sa kalawakan.
Matapos ang mahigit kumulang tatlong daang taong pakikipaglaban sa sarili nating kalupaan, nagkaroon ang ating mamamayan ng pagkakataong mamuhay nang tahimik at mapayapa - malayo sa gulo at pandidikta ng mga mapang-api. Gayunpaman, masasabi ba nating matapos ang lahat ng ating mga ginawa upang maka-alpas at talaga bang malaya na tayong lahat? Maisusulat na ba natin ang mga katagang "Sila'y nabuhay sa kabutiang-palad kailanman" sa pagwawakas ng ating kwento?
Ang kasagutan - hindi. Bakit? Sa kabila ng pagiging malaya mula sa kamay ng mga dayuhan, tila isang kabalintunaan na tayo ay patuloy na bihag at bilanggo ng ating mga sarili. Tayo mismo ang gumagawa ng paraan upang hindi natin makamit ang kalayaan nating inaasam. Sa makabagong mundo kung saan mataas ang pagtingin sa iba at mababa ang lipad ng ating mga pakpak, patuloy lamang tayong nakakulong sa rehas ng ating sariling kapalaran. Kung patuloy lang tayong mamumuhay na sunud-sunuran sa iba, bihag ng mapanghusgang mata ng lipunan, at alipin ng kapangyarihan ay walang mangyayari sa ating pangarap at paulit-ulit lang tayong babalik sa simula, sa prologong lahad ay depinisyon ng kalayaan.
Ito. Ito ang wakas ng ating masalimuot na kwento. Hanggang sa dumating ang araw kung saan wala nang tayong tatangis dahil sa pang-aapi ng kanyang kapwa, hanggang wala nang namamatay sanhi ng walang humpay na giyera at gulo sa ating bansa, at hanggang sa wala nang boses ang pilit na pinapatahimik ng lipunan, ay doon palang nating masasabing tunay na nating naabot ang kalayaan.
May susunod pa bang kabanata ang kwentong ito? Oo. Happily ever after na ba ang wakas nito? Ang kasagutan ay hindi tiyak.
Dalawa palang ang tapos. May 4 pa. SHIT.
February 13
Ang bilis. Malapit na yun. Parang kailan lang nung una kong nakausap si Inay.
February 13, 2013. Nakita ko sila sa SM. Kasama ko si Maan. At doon kami nagkakwentuhan ng bongga ni Inay. Halos di ko nga siya kilala pero iba yung feeling pag kausap mo siya. Ayun. Kaya feeling close ako sa kanya. Hanggang ngayon napapangiti pa din ako sa tagpong iyon. Nakakamiss.
Mag iisang taon na din pala. Kabilis namang lumipas ng panahon ngayon. Dati balak ko pang puntahan si Inay sa birthday niya. Kasi dati okay pa kami ni ano. Di pala talaga magandang magplano, nauudlot lang kasi. Hehe. Babatiin ko na lang siguro si Inay. Kahit na kasi may gap na sa amin ni ano ngayon, di pa rin nagbabago ang kagustuhan kong maging close kay Inay. Part na siya kasi. Forever na yun. Sana ay di nagbago ang tingin sa akin ni Inay.
Malapit na ang February 13. Halos isang taon na din. Nakakamiss.
He is the first witch friend I met a tall guy packed with humor a day with was never a lament he can put a smile in me with color,
She is hot sexy and funny a brave clown lady she was the protector of our circle and always ready to mingle,
He is the mysterious partner of mine his brain was like a golden rhyme a brother that will try to make you smile and will walk with you even in a mile, They are my friends.
Photo monday? Hahahahahahaha. Good morning friends! Goofing around with Kuya Vin. Medyo tinatamad na lumangoy. Lol.