Well, how do I start with this one?
Good thing I remembered that it was Words Anonymous’ Closets today and on Thursday for Karnabal Festival. Nagdadalawang-isip pa ako kung sa Thursday nalang ako pupunta, pero hindi. May dahilan kung bakit ngayon ko naalala ang mga bagay-bagay.
After eating for lunch at Jollibee Philcoa, I started to walk, heading to 64 Mapagkawanggawa street. Inaasahan ko nang magiging mahaba ang paglalakad ko pero hindi ko inasahan na sobrang magiging mahaba. Literal na nag-long cut ako. Ang hirap ng walang alam sa mga lugar. Pero may baon naman akong PR skills at doon ko na-realize na hindi masamang magtanong kapag wala ka na talagang alam. I talked to different kinds of people, including vendors, tambay/chess players, tricycle drivers and civilians. Ang bait pa rin talaga ng mga Pilipino. Nakakatawa yung isa kong pagtatanong sa mga tricycle driver. Tinanong ko kung malapit na ba ako sa Mapagkawanggawa, ang sabi nila, “Mula dito, diretsuhin mo lang tapos sa unang kanto, kumaliwa ka. Pagkatapos kapag may nakita ka ulit na unang kanto, kumanan ka. Diretsuhin mo lang tapos yung una mong makikitang kanto, kumaliwa ka ulit. Tapos pagkadiretso mo, may makikita ka ulit na unang kanto, kumanan ka. Mapagkawanggawa na ‘yun.” Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanila o sadyang tinadhana lang talaga na ‘yun ‘yung lokasyon nung venue. Nagtiwala ako sa instruction nila Manong at voila! Nakita ko na rin ang Mapagkawanggawa! Achievement! Kaso, may problema. Hindi ko alam kung kakaliwa o kakanan ako. I took a risk. I went to the right side (lol but not figuratively) at nakita yung number ng bahay. 34... 47C... 47B... hindi ko alam bakit ganun pero sinundan ko nalang hanggang sa na-realize ko na dapat sa kabilang side ako dumiretso. At ayun, bumalik ako pakaliwa. Pero decreasing pa rin yung mga numero! Pasuko na ako nang may makitang #63 at isang house association security. Kaso wala namang tao. Uupo na sana ako upang magpahinga nang mapatingin ako sa katapat na establisyimento at makita ang Amelia Lapena-Bonifacio Teatro Papet Museo. NAGTAGUMPAY AKO! WE DID IT, BOOTS! (Naka-flats pala ako nun.)