Hinahanap ko pa ang daan patungo sa aking katauhan. Daang ‘di ko alam kung kailan ko matatagpuan.
e.s.
seen from United States
seen from China
seen from United States

seen from Malaysia
seen from United Kingdom
seen from United States

seen from Russia

seen from Malaysia

seen from Russia

seen from Russia
seen from Kuwait

seen from Malaysia
seen from Yemen

seen from Indonesia
seen from United Kingdom
seen from United States
seen from United States
seen from Türkiye

seen from Russia

seen from Indonesia
Hinahanap ko pa ang daan patungo sa aking katauhan. Daang ‘di ko alam kung kailan ko matatagpuan.
e.s.
Sa Pisay, lagi kong pinag-aalahanan ang kinabukasan. Para sa akin, ngayo'y SYP na ang batch natin, kailangan na natin maging mas independent, at [kasama] nito, may katumbas na maraming requirements na sa ating mga asignatura
Paeng Ramiso, 2020
Nakapanayam ng grupo si Sean Michael Maghirang, isang estudyante mula sa ika-11 na baitang ng PSHS o Pisay.
“Sa tatlong salita, ako’y stressed, litong-lito, at kinakabahan sa kasalukuyan. Sa dinami-rami ng mga requirements at mga gawaing nakaatas sa amin, unang-una nakaka-stress dahil papalapit nang papalapit ang mga deadlines nang wala ka man lang nagagawa ni isa sa mga ito. Nakakalito rin kung aling gawain ang uunahin mo at pagtutuan ng pansin. At pinakahuli, kinakabahan dahil hindi mo alam kung ano ang ibubunga ng mga gawaing ito at kung paano ito makakaapekto sa aking marka”.
Dinagdag din ni Sean na “upang mabawasan ang aking pagkastress, inilalahad ko na lang ang aking mga saloobin sa [iba’t ibang] social media platforms tulad ng Twitter o Messenger. Minsan din naman ay ibinabahagi ko ang aking mga saloobin sa mga guro at aking mga kaibigan.”
“Pagod. Gutom. Determinado.”
Ito ang kasalukuyang nararamdaman ni Sabina Libay, isang estudyante mula sa ikasampung baitang ng Philippine Science High School o Pisay.
“Sa mga nakaraang linggo, talagang nakaka-stress po ‘yung mga hinihinging requirements at proyekto sa mga asignatura. Kailangang mas maraming oras na ibinibigay para sa paggawa ng reqs at pag-aaral dahil perio na rin sa susunod na linggo. Palagi naman akong gutom pero lalo na ngayon, kasi kapag nase-stress, masayang kumain. Minsan nagsi-skip na rin ako ng meals, lalo na kapag weekday para magawa ko ‘yung reqs ko o ‘yung ibang responsibilities tuwing lunch, pero kahit na napapagod na ako at gusto ko nang matulog, ‘di ko papalampasin ang linggong ito. Siguro ito na kasi ‘yung pinaka-importanteng bahagi ng quarter, kaya ayoko pang sumuko ngayon.”
“Sa kasalukuyan, tingin ko'y nag-aadapt pa ang Pisay sa pagkakaroon ng anim na batches. Maraming mga pasilidad ang hindi muna magagamit ng mga estudyante tulad ng caf, ang Flob, pati na rin ‘yung mga gilid ng dorm kung saan may konstruksyon. Kahit na masasabing para rin naman sa mga estudyante upang mas lalong maging mabuti ang kanilang kalagayan sa susunod na mga taon, nagdudulot pa rin ito ng mga problema sa mga estudyante sa kasalukuyan.
“Ang kasalukuyang taon ay puno ng pagbabago, at tayong lahat ay umaangkop o nasasanay na rin dito.
“Naaapektuhan na rin ang kalusugang pangkaisipan ng mga estudyante dahil sa bilang ng mga gawain at requirements na ibinibigay ng kanilang mga asignatura.
“Ang CID ay may set na limit na walong major requirements sa isang linggo, ngunit ito'y minsang nalalabag, lalo na ngayon sa panahon na itinuturing ‘hell week’ ng mga mag-aaral, ang panahong malapit sa periodical exams.
Dito sa linggong ito'y lubos na nababalisa ang mga mag-aaral dahil sa lahat ng mga deadline na kailangan nilang tumbasan, mga pagsusulit na kailangan nilang pag-aralan, at mga presentasyon o pampangkatang proyektong kailangan nilang pagtulungan.
“Sa tingin ko ay ‘di ito malusog na paraan ng pag-aaral, dahil gumagawa ng iba pang mga requirements ang estudyante sa panahon na dapat ay nag-aaral na lamang siya para sa perio. Kailangan din ng mga estudyante ng sapat na pahinga at oras sa pamilya bago sila maghanda para sa mga araw na sila'y papasok sa paaralan.”
“Karaniwan po, nagpapahinga muna ako, kakain, or watch something at my leisure. Minsan kasi, ang pinakamabisang paraan para ma-release ang stress ay to detach yourself from it. Lumilinaw naman utak ko tapos kaya ko nang ituloy ang paggawa ng reqs pagkatapos. Kung wala na talagang oras, power through? All nighter talaga, no choice.“
“Ako na rin ang isa sa mga nagsasabi ng ganoong mga bagay. Madalas ko rin naman siyang naririnig. Hindi ko alam kung nakakatulong ba ito exactly sa mga mag-aaral o nakakalala pa ng problema pero nagbibigay siya ng feeling na ‘hindi ka mag-isa, magkakasama tayong lahat dito’ o ganoon kasi lahat na o marami sa mga mag-aaral ay nagpapahayag din ng mga ganitong sentimento.”
“Pagod. Nasasabik. Natatakot.”
Ito ang mga napiling salita ni Jacob Villa, isang mag-aaral sa ikalabindalawang Baitang ng Philippine Science High School.
“Pagod na ako sa pinagagawa sa amin sa paaralan. Nasasabik ako para sa katapusan ng college entrance exams namin. Natatakot ako dahil naramdaman ko na hindi pa ako handa para sa kolehiyo.”
Ngayong malapit na siyang magtapos ng kanyang pag-aaral dito, ito ang naging pahayag niya ukol sa kanyang pananatili sa Pisay at ang naging epekto nito sa kanyang kalusugang pangkaisipan.
“Hindi nakakatulong ang implementasyon ng K-12 sa mga mag-aaral sa Pisay ngayon at sana pinag-isipan pa ito ng mas mabuti. Dati noong nasa Pisay ang kuya ko, (Batch '08) kahit mahirap, masaya pa rin sila pero ngayon sobrang iba na ‘yung kultura ng mga estudyante. Puro mga napapagod. Siguro, hindi pa talaga tayo handa para sa implementasyon ng K-12. Para na rin sa mga SYP students, pangit ang curriculum implementation at maraming estudyante ng SYP ay hindi sumasang-ayon sa SCALE.”
“Dahil lagi na akong pagod, minsan hindi ko inaalagaan ang mental health ko. Napri-prioritize ko ang mga pinapagawa sa subjects kaysa sa kalusugan ko at syempre, unhealthy ‘yun.”
“Stress relief activities at hobbies dapat, tulad ng panonood ng anime, pero minsan kulang talaga [ang] oras ko para magawa ang gusto ko at magpahinga, so slowly but surely, lumalala ang kalusugang pangkaisipan ko.”
Nang tanungin namin kung nagagawa niyang maipahayag ang kanyang nararamdamang pagka-stress at pagod,
“Hindi po, pero in general, I’m mentally strong so it's not that bad. Madalas maririnig mo ‘yan sa mga estudyante, pero pwede siya maging coping mechanism ng iba so hindi naman siya completely negative. In some ways, nakakatulong ito sa mga ibang estudyante. Coping mechanism siya kasi siguro kung alam mo na pagod na rin mga kaibigan mo, nakakatulong siya.”
Pagsusuri ng Katauhan ng Pisay
Sa halos lahat ng mga nakuha naming mga panayam, salitang “pagod” ang lumitaw. Ang iba pang madalas lumitaw ay ang “natatakot” o “kinakabahan” at “stressed”.
Halatang hindi maganda ang kasalukuyang kalagayan ng mga mag-aaral sa PSHS, lalo na at ngayon na ang itinatawag na “hell week”, o ang linggo bago ang mga markahang pagsusulit. Marami ay nagsabing isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit sila pagod ay ang dami ng gawain o requirements na ipinagagawa sa kanila. Nawawalan sila ng oras hindi lamang sa pag-aaral para sa kanilang mga pagsusulit, pero pati na rin sa pagpapahinga. Marami ang talagang nagpupuyat para lamang matapos ang kanilang mga proyekto, at pagdating nila sa paaralan ay talagang pagod na pagod na sila. Kahit may takdang bilang ng major requirements ang CID, kadalasan ay hindi talaga ito nasusunod, kaya hindi nakagugulat ang pagkabalisa at pagkatakot ng mga mag-aaral.
Isa pang nabanggit na dahilan ng stress ay ang bagong kurikulum. Hindi pa raw handa ang PSHS sa anim na baitang, at dahil dito ay naaapektuhan na rin ang mga mag-aaral, dahil hindi naipapatupad nang maayos. Mas maganda pa ang kalagayan ng mga mag-aaral bago ipinatupad ang K-12, ayon kay Jacob Villa.
Dahil sa wala nang oras ang mga mag-aaral upang magpahinga ay nagbabago na ang kanilang wika. Saan pa nila pwedeng maipahayag ang kanilang nararamdaman kung hindi sa wika? Nakaugalian na ng mga mag-aaral na magsabi ng mga katagang “ayoko na” o “pagod na ako”, dahil iyon na lamang ang paraan ng pagpapaginhawa ng mag-aaral. Sabi rin nilang kapag naririnig nila ang kanilang kamag-aral na magsabi ng ganoon ay tila gumagaan na ang kanilang nararamdaman dahil alam nilang hindi sila nag-iisa sa mga pagsubok na ito. Kahit mukha mang lubos na negatibo ng mga katagang ito ay may maganda namang epekto ito sa mga mag-aaral.
Sa lahat-lahat, hindi maganda ang kalagayan ng kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral at ito ay nakikita sa kanilang wika. Kadalasan, ang wika lamang ang nagiging paraan sa pagpapahayag at pagpapagaan ng kanilang nararamdaman.
Hanggang kailan ka dudungisan at hindi makita ang tunay mong katauhan? Hanggang kailan ka magtatago sa mapaglinlang mong emosyon?
Sydney Cruz