Madalas Kami Magjoke Pero ang Trabaho namin, Hindi Biro
akala ng iba napakasimple lang ng trabaho ng isang guro,, at akala ko rin dati,, chillax lang ang pagiging guro,, yung tipong papasok ka lng sa klase, my dalang chalk o marker, konting kwento, konting sulat sa board, konting joke, konting lessons in life, konting drama, at konting pagmamahal.. akala ko lang pala lahat yun,,, yung mga konti na yun eh napakalaki pala ng puhunan,.. hindi basta basta magagawa, hindi mo basta magu-google,, dahil ang pagtuturo.. ay hindi basta basta..
Sa unang tatlong araw ng pagiging Student Teacher, at yung dalawang araw dun,, observe observe lng muna,, samakatuwid, isang araw palang akong totoong nagiging Student Teacher o Practice Teacher,, at sa isang araw na yun, pakiramdam ko higit isang taon na ang ginugugol ko sa lahat ng pag iisip, at paghahanda para sa pagharap sa mahal naming estudyante.
Hindi basta basta ang pagtuturo..
Hindi LANG ako guro, Isa akong GURO.
teka,, practice teacher pa lang pala,, mali, hindi ko dapat pala i-"lang",, practice teacher sa ngayon.. at Guro pagdating ng panahon.
November 24, 2014, CHALLENGE ACCEPTED.
P.S. Tulad ng sinabi ko sa isang section na hinawakan ko kanina, (sa section na sa tingin ko ay magiging stresstabs, stress reliever ng buong karanasan na ito, wag lumaki ulo pag nabasa niyo to, hehe) "TIMING IS EVERYTHING. EVERYTHING IS TIMING".
tapos na ang panahon ng panghihina, ng pag aalala na baka hindi mo kayanin, ng pressure,, now, is time... TO LEARN.
Happy Journey fellow Practice Teachers! :>