10:32NG Ika-2 ng Nobyembre 2017
Kumot.
Madalas ko itong gamitin kapag malamig,
Lalo na’t pag malalim na ang gabi at
Ang hangin ay walang humpay sa pagbulong ng mga alaala nating dalawa.
Nagpapaalala.
Kumot.
Ang karamay kapag malungkot.
Saksi sa mga patak ng luha ko na para sa yo.
Kumot.
Panangga ko ‘to sa takot.
Kapag hindi na kaya pang harapin ang pait na dulot mo,
Sa kanya ako nagtatago.
Kumot.
Ang siyang yakap ko,
Kapag wala ka.
Kapag nasa piling ka nya.
Para kahit papaano naman may karamay ako.












