Gwapo tip number 3
Wala nang mas tatalo pa sa ngiting abot tenga. Wag mo nang isipin kung bungal ka, sungki oh may tingang kulay berde dahil kumain ka ng kangkong ng Chowking (wag lang amoy bagoong.)
Kasi pag lagi kang nakangiti, gwapo ka kumpaDRE! Ibig sabihin ay kumpidens ka sa iyong feeling, na masaya ka, at welcoming! Hindi ka tatakbuhan oh katatakutan ng mga babae, panget man oh maganda; dika iirapan ng mga paminta na kahit sa isa't isa sila ay nagaamuyan (*haaah.. hachoo!!* jowk lang po, no insults intended, sorry po... hihi) hahaha. (- -,)v
Pero shempre yung genuine smile. Hindi yung pa-cool para maka pick-up lang ng libreng betamax kay ateng barbikyu. Kuha mo naman ang punto ko diba? hahaha...
Tandaan, malaking factor sa pagpapagwapo ang pag-smile kasi binubuksan nito ang mga emosyon at ang tarangkahan ng mga suplado at suplada, na in turn, ay magiging mas malaki ang chances mo for a good conversation.
PS.
Dapat aware ka sa tinga. Kundi yung ngiti ng kausap mo aabot hanggang tenga dahil sa tinga.
(- -,)v










