Kahit anong ingat ko, di ko maiwasang mahulog sa matatamis mong ngiti.

seen from Canada
seen from Brazil
seen from United Kingdom

seen from Canada
seen from China

seen from Spain
seen from Spain
seen from South Africa

seen from Spain

seen from Maldives

seen from Netherlands

seen from United Kingdom
seen from United Kingdom

seen from Canada
seen from China
seen from Japan
seen from China
seen from United Kingdom

seen from South Korea
seen from Taiwan
Kahit anong ingat ko, di ko maiwasang mahulog sa matatamis mong ngiti.
Ngiti ka.
Mahirap man minsan pero sikapin mo parin. Minsan parang wala ng rason para ngumiti pero mag hanap ka parin. Hindi sagot ang pagsuko pag nahihirapan na, pagdinaumaayon ang lahat sa gusto mo. Ingiti mo lang pasasaan bat magiging okay din ang lahat, balang araw, paunti-unti.
021921
Kung ok lang sayo gusto sana kitang alagaan. Gusto ko sana sa iyo ako titigil maghanap, ikaw na lang ang titingnan ko mula sa pag gising sa umaga hanggang sa magdamag na lalim ng gabi. Gusto kitang protektahan sa lahat ng sakit na pwedeng ibigay sa atin ng mundo. Ito lang naman ang talagang gusto ko.
— Alam ko naman naririnig mo ako
Demonyo
Sa bawat ngiti ay may lungkot na nagkukubli
Pag-asa ay tuluyan nang naglaho kasabay ng pag guho ng mga pangako
Mga pangakong napako sa dahilang hindi ko alam kung ano, paano o sino
Gigising ng may liwanag ngunit kay dilim ng paligid sa aking paningin
Ako ay may naririnig na tanging ako lang ang nakakarinig at makakapagpaalis
Ngunit mahirap silang kalabanin
Mga armas kong bitbit ay hindi sapat sa madugo naming labanan
Ang espada ng ngiti at kalasag ng motibasyon ay tuluyan na niyang winakasan
Kaya sumusuko na ako
Sumusuko na akong kalabanin ang sarili ko at ang mga demonyo na patuloy na nagkukubli at bumubulong sa aking isipan.
Nagkangitian
Bawat kalsadang nilalakaran
May taong hindi namamalayan
Tulad ng aral ng Kasaysayan
Napakahirap na matandaan
Ang mga mukhang nagpapalitan
Sa mga kalyeng dinadaanan
Sa bulungan at mga sigawan
Ay mayro’ng hindi maiiwasan
Magkakaiba man ng pangalan
May natatanging ‘di karaniwan
Mangingibabaw sa karamihan
Dalawang taong nagkatinginan
Mga labi ay nagkangitian
Nagbunga ng mga kahulugan
Nung sabay tayong naglunch sa inyo.
Nabusog ako sa mga ngiti mo
Ang ngiti mong yan ang gusto kong protektahan.
Kaso mas gusto mo siyang iniiyakan.