Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nandito ako ngayon sa gym, nakaupo pansamantala dahil napagod ako sa practice game namin kanina. May practice game kami lagi bago magpasukan kasi varsity kami. Kahit nung highschool kami, meron din. At sa basketball ko binuhos lahat ng inis at pagkabadtrip ko dahil sa Reagan Madeline de Asis na ‘yan.
“Oh?” Tanong ko kay Mia, isa sa kaibigan ni Aileen. Hinihingal pa siya kaya uminom muna ko ng tubig. Nauuhaw ako. Kahit malamig dito sa gym, pinagpapawisan pa rin ako. Mabangong pawis.
Tinuro niya yung pinto ng gym, “Si-Si Aileen,” Hinihingal pa din siya habang sinasabi niya ‘yan. Awtomatiko akong napatayo nung sinabi niya ang pangalang ‘Aileen’.
“Bakit? Anong nangyari kay Aiyeen?” Ayieen ang tawag ko kay Aileen. Wala lang. Trip ko. If you’re a womanizer, alam mo dapat ang pasikot-sikot sa pambibitag ng babae. Gaya ng pambobola. Kung babaero ka, expert ka dapat sa pambobola, mga sweet talks, and even dirty talks… Para kusang kumapit ang mga hitad sayo.
“Inaway niya yung…” Nagsalubong na ang kilay ko. ‘Di pa rin ba siya tapos hingalin? “Iniway niyo yung—“
Sa isang kurap, nakaakbay na si Spike kay Mia. Nakng? Flirt talaga ‘tong volleyball na ‘to. Lahat na, nilandi. Palibhasa gumaganti. Kaya ayan, todo pambababae. Kalandian niya ‘tong si Mia ngayong linggong ‘to, sa pagkakaalam ko.
“Spike…” Para namang na-hypnotize yung Mia kay Spike. Fuck? Ano na? Ano na yung sinasabi niya tungkol kay Aileen? Gago talaga ‘tong si Spike! Wrong timing lagi kung umeksena.
Tinawag ko ang nahipnotismong babae ni Spike, “Mia.”
Napatingin naman sa akin si Mia at halata ang takot sa mga mata niya. Bakit? Pinanlisikan ko lang naman ng mga mata. Kaasar e. Dumating lang si Spike, nawala na sa sarili? TSS! Hindi sa concerned ako kay Aileen kaya ako naasar ngayon. Kun’di baka kung ano na namang ginagawa nung babaeng ‘yun na magiging kahihiyan ko.
“Utol, easy! Ang babae, minamahal. Hindi tinatakot!” Sita niya sa akin nang mapansing natakot si bigla si Mia at nang makita niya ang nanlilisik kong mga mata.
“Gago. Manahimik ka.” Poker face ako nung una pero, TING! May umilaw na bumbilya sa isip ko, “Babae? Minamahal? Huh! So anong tawag sa ginagawa mo kay Allison? Pagmamahal pala ‘yun? Haha!” Humalakhak ako. I don’t care kung suntukin niya ako. Totoo naman yung sinabi ko, e. Tsaka lilipas rin ‘yan kung sakaling magalit siya. Ganyan naman kaming tropa.
Namula si Spike and he gritted his teeth, “Fuck you, Dwight!”
“Yeah, fuck me—GAY.” I smirked then I laughed. Umalingawngaw ang tawa ko sa gym na napahinto ang mga players sa paglalaro. Kinindatan pa ako ni Nasher na nandu’n, nakaupo sa upuang medyo malayo sa akin. Nanonood lang din siya kasi ‘di naman siya varsity ng basketball. Badminton ang forte niya, pero magaling rin siya mag-basketball.
“Coach, nang-gagago si Dwight! Alis muna ako!” Sigaw ni Spike kay Coach ta’s nag-walkout. Apektadong apektado talaga siya kay Allison, ‘no? Tsk! Loko ‘yun eh. May sapak na ata sa ulo dahil sa nangyari sa kan’ya dati. At kakasabi niya pa lang na minamahal ang babae, tapos iniwan niya dito si Mia na nanginginig? Pft!
Tinanong ko agad si Mia, “Anong nangyari kay Aiyeen, Mia?” Seryoso ang boses ko. Makakatikim talaga sa akin yung babaeng ‘yun pag may ginawa siyang kabalbalan.
“Si-sinugod niya si… si… y-yung, uhm…” Kinagat niya ang labi niya, “Y-Yung su-sumampal s-sayo kaninang um-aga.” Nauutal siya kasi kinakabahan siya. Nakita na kasi ako ni Mia magalit. ‘Di ko lang matandaan kung kelan at saan. Tsaka pwedeng-pwede ko i-pullout ang perang ininvest ni Dad sa company ng Daddy ni Mia. Kaya natatakot siya at—
Nanlaki ang mga mata ko, “ANO? Sinugod ni Aileen si Reagan? Shit!” Napamura ako ng malutong. Ano bang pumasok sa kokote ni Aileen at sinugod niya yung Reagan na ‘yun? Shit shit shit! “BAKIT HINAYAAN NIYO?” Hindi ko napigilang ‘di sumigaw. Naghuhuramentado na ako sa galit ngayon dahil sa ginawa ni Aileen. May masama kasi akong kutob. At sana, ‘di ‘yon totoo. Kasi kung totoo? Fuck. Pasensyahan kami.
“Kilala mo?” Iyan lang ang isinagot ni Mia sa akin. Nakataas na ang kilay niya, “Kilala mo yung sumampal sayo?”
“WALA KANG PAKIELAM KUNG KILALA KO SIYA O HINDI! ANG TINATANONG KO, BAKIT NIYO HINAYAAN SI AILEEN SUGURIN YUNG BABAENG 'YUN? BULLSHIT!” Gusto kong manapak sa oras na ‘to. Mababa lang ang pasensya ko. Mabilis ako magalit. Umalingangaw nga uli ang boses ko sa buong gym. Ramdam kong nagsisilapitan na ang team ko sa akin dahil sa pagsigaw ko.
“Dwight.” Tinapik ni Hero ang balikat ko, “Kalma, ‘tol, kalma.” Sinubukan kong huminga ng malalalim para kumalma. Ayoko rin namang magwala. Hindi ko kasi mokontrol at ma-contain ang galit ko. Lalo na ngayon at ramdam kong ipinahiya na naman ako ni Aileen, at ng babaeng ‘yun, si Reagan.
“Ano bang nangyari?” Tanong ni Benedict kay Mia, “Bakit mainit na naman ang dugo ni Dwight, Mia?”
Agad sumagot si Mia. Kinalma ko lang ang sarili ko habang pinapakinggan siya. Hindi ako pwede mawala sa wisyo. Hindi pwede. Kailangan ma-kontrol ko ang galit ko.
“Si Aileen kasi, sinugod yung sumampal kay Dwight. Binuhusan niya ng coke. Outnumbered nga yung babae kasi halos lahat ng tao sa canteen, kakampi ni Aileen. Except dun sa dalawang companion nung babae. Ang kaso…” Napahinto saglit si Mia, “Nilampaso niya si Aileen. Pinanindigan niya talaga na ‘di niya kilala si Dwight, na ‘di niya kayo kilala. Wala rin daw siyang gusto kay Dwight. May sinabi rin siya about popularity. Hindi nga makasagot si Aileen sa kanya. Pati yung mga tao sa canteen, natameme rin sa kan’ya. Ibang klase siya kanina. Para bang wala siyang kinatatakutan.”
Agad na naglabas ng phone si Viel, “Youtube.” Alam ko na ang ibig sabihin ng sinabi ni Viel. Yung commotion na nangyari kanina, t’yak, naka-post na ‘yun sa youtube, “At hindi nga ako nagkakamali. Mala-superstar si Reagan, ah? 10,000 views agad?”
“Huh?” Agad sumilip si Mia sa phone ni Viel, “Eh kakatapos lang mangyari niyan, e. Ilang minutes pa lang ang lumilipas, 10K na agad ang views?” Namimilog ang mga mata ni Mia. ‘Di ata siya makapaniwala.
Matapos magsalita ni Mia, napuno ng katahimikan ang gym. Si Coach nandito rin, nakikinig lang sa amin. Hindi siya nangingialam. At nakikita ko pa ngang nangisi siya. Kanina niya pa ako nginingisian. Nabalitaan niya siguro yung pagsampal sa akin ni Reagan. ‘Di ko na lang siya pinapansin. Ayoko mag-init ang ulo ko. And speaking of, ramdam ko pa rin sa pisngi ko ang sampal nung babaeng ‘yun sa akin. Buset!
“Play mo.” Utos ko kay Viel. Medyo kalma na ako ngayon.
Naningkit ang mga mata niya, “Sure ka?” Tumango lang ako. Mabilis ang internet dito sa school kaya alma kong saglit lang ang pagba-buffer niyan at mapapanuod namin ng tuloy-tuloy ang nangyari kanina.
“Aileen Gonzales, supalpal-plakda-lampaso by a transferee…” Binasa ni Hero yung title ng video. Natawa pa nga siya, “Supalpal, plakda, lampaso? Astig ng nag-isip ng title na ‘to!” Tapos humalakhak uli siya kaya binatukan ko na.
“Wag ka maingay.” Sabay pinalisikan ko siya ng mata at pagkatapos, tumingin na ako sa screen ng phone ni Viel.
Ang unang-una kong nakita? Syempre, si Aileen. Naglalakad siya papunta sa isang babaeng nakatalikod na sa tingin ko’y si Reagan. Pagkarating niya du’n, bigla niya na lang binuhusan ng coke si Reagan.
“YOU BITCH!” Sigaw ni Aileen sa nakatalikod na si Reagan. Napatayo’t napaharap si Reagan sa kan’ya, “WHO ARE YOU TO SLAP MY BOYFRIEND!?” Gigil na gigil si Aileen. Buset! Ibi-break ko na talaga siya. Masyadong clingy at possessive. Alam naman niyang fling lang ang namamagitan sa amin. Kung ipangalandakan niya, kala mo sineseryoso ko siya. LOL. Tawa tayo. Panibagong kahihiyan na naman ito.
“GO AILEEN!” Sige namang cheer ng mga tao. Kampi talaga sila kay Aileen. Eh sino ba naman kasi si Reagan? Modelo si Aileen, gaya ko. Kaya ko nga siya naging GF kasi nilandi niya ako.
Kalmado ngunit mataray na sinagot ni Reagan si Aileen, “And who are you to do this?” Itinuro niya ang damit niyang basa na ng coke.
Natawa si Aileen. Rinig ang pagtawa niya dahil tahimik ang mga tao sa canteen at tahimik naming pinapanuod lahat ang video. Yung iba, sa mga phones nila dahil ‘di naman kami lahat makakanuod dito sa phone ni Viel.
At nandilim talaga ang paningin ko dahil sa mga susunod na pangyayari. Napamura pa ako dahil sa sinabi ng babaeng ‘yun, nun ni Reagan.
“Ni hindi ko nga kilala kung sino ang boyfriend mo, tapos sasabihin mong magpapapansin ako sa kanya? Haha! Porke’t sikat ba siya, kailangan ko ng matakot? Ha? Eh paano kung siya ang mali? Ano, dadayain niya? Babaligtarin niya ang kwento gamit ang kasikatan niya? Hindi naman ata makatao yan. Wala naman akong ginawa sa kaniya kanina. I was just looking around and taking some pictures tapos sasabihin nila harang ako sa daan? Like, WHAT? Ang laki-laki ho kaya ng quadrangle! And he insisted that I know him that’s why I slapped him. He deserved it. Masyado ng malaki ang ulo niya. Porke’t sikat siya, manggaganu’n siya ng tao? No. No. No.” Tumatak sa kokote ko ang mga sinabi niya. He deserved it? Fuck! I deserved to worshiped, hindi yung ipapahiya ako ng todo-todo at sasampalin sa harap ng publiko. At ano pa? Like, WHAT? Leche! Patong-patong na nga ang kasalanan niya sa akin. Mula sa pananampal na KANINANG UMAGA niya lang ginawa tapos ngayon, ito pa? Damn! Kagasgas ego. Tang-na!
“Sabi na e!” Si Viel matapos niyang ibalik yung phone niya, “Dapat ‘di mo na lang pinanuod, Dwight.” Mabilis na kasi ang paghinga ko. Kanina pa ako nagkukuyom ng kamao. Mga lintek na babae! Imbis na puro langit ang hatid, sinasamahan pa ng sakit ng ulo. BADTRIP!
Sinuntok ni Nash ang balikat ko, “Dwight, kalma lang. Wag high blood. I-break mo na lang si Aileen—“ Napahinto si Nash dahil suminghap si Mia. Nakikinig siya sa usapan, “Ah… Hehe!” Ngumiti siya kay Mia pero nagseryoso ulit siya, “Pero ‘di nga, hiwalayan mo na si Aiyeen mo’t bawian mo na lang si Reagan gaya ng sabi mo kanina. Yung, I’ll make her life a living hell until she beg me to stop—“ Natigil uli si Nash kasi bigla na lang tumakbo si Mia. I just rolled my eyes. Pangungunahan na ako nu’n. Magsusumbong na iyon kay Aileen.
“Tadu ka, Nash! Kala ko ba ikaw santo sa tropa natin? Ba’t agree ka sa paghihiganti niyan ni Dwight kay Ms. Walang Kinatatakutan de Asis? Eh ‘di ba nga ‘di ka sang-ayon sa ginagawang pagmamahal ni Spike kay Allison?” Singit ni Hero. Ngingisi ngisi siya. Mga leche ‘to. Naeenjoy ang kamalasan ko. Buti pa ang mga lolo, si Jake at Ashton, nanahimik—pero nakangisi rin pala. Mga pota.
“Hmm, ‘di ko din alam e…” Nagkibit-balikat si Nash, “Iba naman kasi yung kay Alli at Spike. GF talaga ni Spike si Alli, ‘di fling or kung ano. Eh si Reagan?” Nash chuckled, “She’s something new. Kung ako si Dwight, nakakaexcite dahil macha-challenge ako. Hindi madali. Hindi easy to get. May thrill. ‘Di yung tulad ng iba? Bowring.” Tapos nag-apir sila ni Hero.
“Da best talaga, Romero! Wahaha! Buti na lang ‘di ka celibate gaya ng mga lolo natin dito!” Asar ni Hero kay Ashton at Jake. Nabilaukan pa nga si Nash. Celibate? Nakng, Cerventez! ‘Yan tuloy, nakatanggap ng death glare mula sa mga lolo.
Inakbayan ako ni Nash ng makaraos siya, “Ano, Dwight?” Nanghahamon na sabi ni Nash sa akin. Siningkitan ko lang siya ng mga mata, “I know you’re a man of your words…” Ang himig ng boses ni Nash ay may pangangasar at panghahamon. Tsk. He’s provoking me, I know it. Pero ‘di na kailangan.
“You don’t have to remind me. Kahit ‘di mo sabihin, pagbabayarin ko yung babaeng ‘yun.” Matigas ang pagkakasabi ko ni’yan bago naglakad papuntang locker room ng gym para sa mga basketball players. Ayan na naman sila sa pag-‘woah’ nila. Napa-‘yes’ pa nga si Nash. Tss. Kasi itutuloy ko yung balak ko. Pero itutuloy ko naman talaga. Wala akong balak na wag na magparamdam du’n sa Reagan na ‘yun. Gagambalain ko siya. Hell nga, ‘di ba? At, hmm… Tama si Nash. May thrill. May thrill si Reagan Madeline de Asis.
Hindi ko alam, naghihintay pala si Coach sa akin sa locker room.
“Bro!” Nakangising tawag niya sa akin ng makita niya ako. Hindi ko hinubad ang pagkapokerface ng mukha ko. Iinisin na naman niya ako.
“What?” Walang gana kong tanong.
Inakbayan niya ako, “Mukhang nakahanap ka na ng katapat mo, Dwight.” Nakangisi siya habang sinasabi niya iyon at ginulo niya ang buhok ko, “Goodluck, brother! Sasabihin ko ang magandang balita kay Mom at Dad!” At sa isang kurap, nawala bigla si Coach aka Deiter Dychinco. Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi niya. Baka pag pinansin ko, eh mag-init na naman ang ulo ko.
Papasok na sana ako sa shower room ng ma-absorb ko ang sinabi ng magaling kong kuya. Oo, hindi ba obvious? Kuya ko si Deiter. Coach namin s’ya sa basketball dahil siya ang former Captain ng varsity. Grumaduate siya dito sa Westan.
“Mukhang nakahanap ka na ng katapat mo, Dwight.”
Namilog ng onti ang mukha ko, “WHAT?” Lumingon pa ako para makita kung nakaalis na ba si kuya o hinihintay niya pa ang reaksyon ko pero wala. Wala na ang magaling kong kuya. Napasabunot ako sa buhok ko.
“Anong nakahanap na ako ng katapat? Huh!” Mapakla ang pagkakasabi ko. Halata ang disgusto sa mukha ko. Nakahanap na ako ng katawat? That’s bullshit!
Kahit kelan, hindi ko magiging katapat si Reagan Madeline de Asis. Dahil ako lang ang laging nasa tuktok, sa kataastaasan, at ako lang ang laging bida. Ako ang pinaguusapan. Kilala ako ng lahat. Bukambibig nila ako. Gwapo ako. Habulin ng mga babae. Pinagkakandarapaan…
Kaya sinong nasa tuktok? Tandaan niyo ‘yan, ah. Wala akong katapat. Ako lang mag-isa sa rango—AKO LANG!