Blink by Malcolm Gladwell
Ni rekomenda ito ng isa kong katrabaho noon. Kamakailan kasi naging madaldal ako sa facebook gawa ng pinahiram sa akin ng kaibigan ko iyong pocket wifi niya. Nagsimula akong maging madaldal sa mga latest na binabasa ko. Nag status ako tungkol sa Norweigian Wood ni Haruki Murakami at ayun, nag pm siya sa akin at kung anu ano na ang gusto niyang ipabasa. Ito ang una kong pinili sa mga nirekomenda niya. "Blink" na isinulat ni Malcolm Gladwell.
Sa totoo lang, isa itong psychology book. Tungkol siya sa kapangyarihan ng "Intuition" ng tao. May mga bagay raw kasi na mas maganda pang sumunod sa biglaang bugso ng damdamin kaysa sa mga bagay na pinagiisipan natin ng mabuti. Ang una niyang halimbawa ay iyong isang antique na statue na binenta sa isang European museum. Mahigit sa isang daan taon na raw iyong estatwa sabi ng nagbebenta at inilahad pa niya sa mga eksperto ang ngyari kung bakit napasakamay niya ito. Ineksamin naman ito ng mga scientists. Ilang buwan nilang pinag-aralan ng marmol para malaman kung totoo ngang antik ito. Matapos ang ilang buwan, napatunayan nila na authentic ang estatwa at binili naman ito ng museo sa napakalaking halaga. Ngunit ng isinapubliko ang estatwa, may mga art experts/curators na hindi naging maganda kutob noong una pala nilang nakita ang estatwa. Hindi nila alam kung bakit pero basta nilang naramdaman. Parang may mali pero hindi nila masabi kung ano. Ang ngyari sahuli, peke pala ang estatwa at ang nagbenta nito ay talamak na ganitong modus. Ito ang unang halimbawa na isinalaysay ng awtor. Dito niya sinimulan na patunayan na huwag balewain ang "kutob". Minsan iniisip natin na walang itong basehan. Kasi biglaan lang at para bang hindi naman pinag isipan. Ngunit ayon kay Gladwell, ang kutob ay base sa mga komplikado nating karanasan at pag-iisip.
Sa totoo lang, paulit ulit ang punto ng libro. Marami lang halimbawa. May mga bahagi na mejo na boring na ako. Pero sa bandang huli, naaliw ako noong nag kuwento na siya about "mind and face reading". Hindi naman ako natuto pero pero nakakatuwa lang si Paul Ekman, siya anf face reading expert .May mga pangalan siya sa bawat bahagi ng mukha. Iyon ang inoobserbahan niya isa isa. Ang paligid ng mata, maraming bahagi yan. Ang pagtaas, pagbaba, pagkulubot ng mga ito ay may mahalagang mensahe tungkol sa kung ano ang iniisip ng tao. Kung nagsisinungaling ba siya o nagsasabi ng totoo. Nakakaya niyang sabihin agad agad ang katotohanan sa taong iyon kahit larawan lang ang ipakita sa kaniya. Ang sabi pa nga, ginagamit ang kaalaman niya sa face reading ng mga animation companies para maging basehan din ng emosyon ng bawat karakters at sa telebisyon.
May nirerekomenda na namang libro ang kasamahan ko sa trabaho ngayong nalaman niya na tapos ko na ito. "Outliers" naman ang pamagat. Sa totoo lang. pakiramdam ko parang mas close pa ata kami ngayon kaysa noong magkatrabaho pa kami. Magkashift kami noon. Mga ilang buwan din. Sa isang araw, walong oras kaming magkasama ng walang pag-uusap. Konting usap lang at tungkol sa trabaho. Hindi ko alam na mahilig siyang magbasa. At hindi niya rin alam na palabasa rin anamn ako. Nakakatawa lang.