[Kalevauva.fi:n Panohanskat melodiaan]
Homosukat,
Raidalliset, värikkäät
Homosukat !!

#batman#dc#dc comics#bruce wayne#dick grayson#tim drake#dc fanart#batfamily#batfam


seen from Japan
seen from Brazil
seen from China

seen from China
seen from Netherlands

seen from Malaysia
seen from Germany

seen from United States
seen from China
seen from United States
seen from Argentina

seen from United States

seen from Malaysia
seen from China
seen from Australia

seen from United States
seen from China
seen from United States
seen from Germany

seen from Japan
[Kalevauva.fi:n Panohanskat melodiaan]
Homosukat,
Raidalliset, värikkäät
Homosukat !!
Päätin et hyppään aikuisuuden ohi ja ryhdyn sukkamummoks
Kaikenlaisia robleemeja
Kertokaa mulle mikä vittu tätä sukkaa vaivaa, ja miks vitussa sen silmämunat on siniset???!
Hayaan
Dahil 'di nagsasalita
Ibig sabihi’y “pwede na”?
Palibhasa’y nanahimik
Pinili ang ‘wag umimik
Dahil hindi nagbabawal
Ibig sabihi’y “sige na”?
'Di na nga nagpapaalam
Hindi pa pinapa-alam
Ang kapit ay luluwagan
Bahala na kung lilisan
Bakit pa ba iingatan
Kung hindi pinakikinggan?
llayo ang mga kamay
Paglaya ay gawing tunay
‘Wag na ‘wag ngang pipigilan
Ang gustong mapabayaan
Karuwagan
Ba't bihirang makausap
Kahit 'di naman mailap
Ang tinuring na pangarap
Nagdulot lamang ng hirap
Isipang nagda-dalawa
Sa kanan ba o kaliwa?
Wala rin akong magawa
Sa sarili ay maawa
Ano nga bang tatahakin
Ng nalilitong damdamin?
Tahimik na titiisin
Ang malamlam mong pagtingin
Ito nga ay karuwagan
Sa tapang, may kakulangan
'Pagkat ako ay naiwan
Sa sampung taong nagdaan
Isahan
At wala ngang isang ‘hindi’
Ang narinig nya sa iyo
Ang ‘oo’ mo ay matindi
Sa alok nyang pagtatagpo
At wala ngang isang ‘bakit?’
Dali-dali kang kumilos
Nagdahan-dahan sa tinik
Ng tuksong padalus-dalos
At wala ngang isang oras
Kayo ngayo’y magkaharap
Kaluluwa’y pumipiglas
Habang kayo’y nag-uusap
At wala ngang isang metro
Ang pagitan nyong dalawa
Ngunit may nadarama ka
‘Di mainam at masama
At wala ngang isang tingin
Ang binalik nya sa iyo
Gusto lang nya ng kasama
At ‘di ng nasa isip mo
At hindi ka nga umimik
Sa sarili’y tinatanggap
Na mayroong pagpapasyang
Hindi kaya sa isahan
Pambungad 2019
Pumasok ka nang maulan
Dito sa may kalunsuran
Bawàs tuloy ang putukan
Na gusto rin ng iilan
Tulad ng nagdaang taon
May pag-asang sasalubong
Sumakto pa sa eleksyon
Sa’n naman kaya hahantong?
Balik sa normal na’ng buhay
Sa trabaho ay magsikhay
Sa trapik, kumaway-kaway
Mag-aral ng paghihintay
Bago’t luma ang dala mo
Karanasan man o tao
Sabik pa rin kami sa’yo
Tulad sa lahat ng “bago”