Hayaan
Dahil 'di nagsasalita
Ibig sabihi’y “pwede na”?
Palibhasa’y nanahimik
Pinili ang ‘wag umimik
Dahil hindi nagbabawal
Ibig sabihi’y “sige na”?
'Di na nga nagpapaalam
Hindi pa pinapa-alam
Ang kapit ay luluwagan
Bahala na kung lilisan
Bakit pa ba iingatan
Kung hindi pinakikinggan?
llayo ang mga kamay
Paglaya ay gawing tunay
‘Wag na ‘wag ngang pipigilan
Ang gustong mapabayaan














