madami talaga akong gusto.
gusto kong pumayat. matik na xD gusto ko ng healthy na katawan :'( gusto ko ng kakambal. di naman pedeng ibalik ako sa tyan xD gusto ko ng dimples na malalim xD meron ako kaso mababaw lang, di ko napapansin xD gusto ko ng makapal na buhok xD gusto ko ng matalinong utak xD gusto ko ng magandang boses xD
pero alam nyo ba, mas gusto ko ung meron ako ngayon :D mataba man ako, di man gaanong healthy, wala mang kakambal, o dimples na malalim, wala mang makapak na buhok, o matalinong utak, o sobrang gandang boses, alam kong kung ano ung binigay sakin, un ung the best para sakin :D kahit hindi pansinin, kahit hindi ligawin, kahit walang masyadong papel sa buhay ng maraming tao, masaya na ko sa meron ako.












