HAPPY NEW YEAR!!
Bago mag-start ang new year countdown, mga 30 mins. bago mag-12 am, binuksan ko yung isa kong account sa fb na hindi ko ginagamit on a daily basis. Sa account na yun ang friends ko lang eh yung mga magulang ko, kapatid ko, ilan sa mga classmate ko nung high school, saka yung crush ko dati si kuyaSuperman. Pagkabukas ko may isang notification, may isang message at may isang friend request. Una kong tinignan yung notif, tapos message, tapos kinilig ako haha, tapos chineck ko yung nag-friend request na hindi ko naman inaccept.
Kinilig ako kasi si kuyaSuperman pala yung nag-message binabati ako nung birthday ko, which is 12 days ago pa nung nangyari. Haha akala ko kasi nakalimutan na niya yung birthday ko (ang alam ko sinasabi ni fb kung sino ang may birthday, pero kasi.. haha) Ayon, nireplyan ko siya. Tapos ako saya kung sinalubong ang taon.
Wala kaming paputok kasi natatakot yung bunso kong kapatid na maputulan siya ng daliri, kaya nakinuod na lang kami sa fireworks ng ibang tao saka sa tv din. Ayon, masaya kasi ang daming tao haha daming friends ng nanay ko. Nanuod din muna kami ng misa sa abs-cbn bago natulog. Pero hindi pa ako natulog, nagbasa pa ako ng libro bago ako tuluyang nakatulog.
Ang aga kong nagising mga 8 am ata tapos ewan parang masaya yung feeling kahit wala naman talagang nangyayari. Alam niyo yun? Haha weird. Naligo, kumain, nagbasa ng libro (to all the boy i've loved before), nag-open ng fb at nalamang nag-reply na si kuyaSuperman, binati ako ng 'happy new year' kaya binati ko din siya, kinilig ulit, nag-aral kunwari, nag-memorize ng preamble, nakatulog, at ngayon kagigising lang. Parang normal na araw lang except sa ngayon ay new year at masaya ako kasi nakausap ko ulit siya haha yaay.
Birthday din pala ng papa ko ngayon. Binati ko lang siya bago mag new year countdown. Tumawag daw siya kanina umaga kaso tulog pa kaming lahat. 44 years old na siya. Ayon, yun lang lahat ng nangyari sa akin ngayong araw. Alam kong ang boring kong tao pero ewan masaya talaga ang araw na 'to :)











