Hindi ko man mabati ka diretso sa facebook mo, o sa twitter mo dahil ayokong ako nanaman ang gumawa ng move para magkausap tayo dito nalang kahit hindi mo mababasa. Gustong gusto kong kausapin ka, pero natatakot ako baka kapag natapos nanaman yung pinaguusapan natin malungkot nanaman ako, sinusubukan kong mag move on. Bakit ako nalang lagi kailangan gumawa ng way para makapagusap tayo. Ganun ba kataas yung pride mo? Minsan gusto ko nalang maniwala sa sinabi mo na hindi mo na ko mahal, lagi kong tinatandaan yun, kahit masakit. Para maidistansya ko yung sarili ko sayo. Ayoko man pakawalan ka kasi mahal na mahal kita, pero minsan may mga bagay na dapat ng bitawan. Ni minsan hindi ka nawala sa isip ko, sana may nagpapasaya sayo ngayon, sana may nagpapawala ng pagod mo, sana yung taong nagpapasaya sayo, worth it na palitan yung pwesto ko sa puso mo.
Sobrang hirap parin tanggapin. Hindi ako nagmamadali maka move on, kasi sabi ko baka bumalik kapa. Pero hindi na ata, wala na ata talaga, bukas na yung Anniversary sana natin. Gusto kong ipm ka, pero ayoko na maghabol paulit ulit sa wala. Wish ko na maging masaya ka, kahit makahanap ka ng bago. I still love you, so damn much. Xoxo