NGUNIT. DATAPWAT. SUBALIT.
Isang buwan mula ngayon noong mabasa ko ang isang di kanais nais na usapan. Isang buwan na ang nakakalipas. Bagay na napag usapan na at dapat ng kalimutan. Bagay na pina lagpas at binigyan ng pag papatawad. Bagay na hindi na dapat balikan at dapat ng ibaon sa limot…
NGUNIT. DATAPWAT. SUBALIT.
Ang hirap. Ang hirap tanggapin. Ang hirap unawain. Mga salitang binitawan ngunit kinain. Ang tiwalang inilaan ngayo’y ang hirap ibigay ng lubusan. Mga binubuong pangarap, ngayon ay di ko na alam kung sa dulo’y kasama pa ba kita hanggang sa hinaharap. Pagdududa na hindi maipagkaila. Paghihinala na nakaka gambala. Nawa’y lahat ng ito ay maglaho na parang bula.
NGUNIT. DATAPWAT. SUBALIT.
Mga bagay na ganito ay hindi biro. Napaka bigat sa dibdib. Nakaka gulo sa isip. At…nagbibigay ng sakit.

















