Sino ka nga ba?
Sino nga bang mag aakalang magiging tayo
Sino nga bang nagtulak para humantong tayo sa ganito
Paano nga ba natin sinimulan ang ating kwento
Paano nga ba natin binuo ang salitang “tayo”
Isang taon at dalawang bwan at siyam na araw na ang ating relasyon
Biglang sumagi sa aking isipan ang isang diskusyon
Kilala na ba kita? Dahil isang araw napa isip na lamang ako kung, sino ka nga ba?
Hindi ako nakalimot, wala akong alzheimer’s disease at kung ano pa man
Napagtanto ko lamang habang nakatingin sa kawalan
May mga bagay tayong tinalikuran pero alam ko,
at naniniwala akong dapat natin balikan
Babalikan hindi upang gumawa ng issue at kung ano pa man
Babalikan upang mas mapabuti ang kasalukuyan
Upang makilala kita ng tuluyan
Mahal kita ngunit tinatanong ko kung, sino ka nga ba?
Hindi ba at ang pangit pakinggan?
Sariling mong kasintahan hindi mo alam ang pinagmulan
Ni hindi mo alam kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isipan
Oo. Aminado akong gusto kong ungkatin ang nakaraan
Hindi upang maghanap ng pagseselosan at kung ano pa man
Gusto lang talaga kita makilala ng lubusan
Dahil bukod sa mga taong malalapit sayo, gusto ko ako ang isa sa iyong mga lalapitan
Lalo na sa mga panahon na ikaw ay nasasaktan
Maging ako man ang dahilan
Pangit man pakinggan ngunit aking mahal hindi kita kilala
Ipasok mo ko sa iyong mundo at ipakita mo sakin ang lahat
Lahat ng naging masasayang araw sa buhay mo
Lalo na ang mga sakit na pinagdaanan mo, dahil gusto kong makita ang kahinaan ng taong mahal ko
Hindi upang pagtawanan ka kundi para malaman ko kung kelan mo kakailanganin ang pinaka mahigpit na yakap ko
Gusto kong makilala ka dahil parte ka na ng buhay ko
Isa ka sa bumubuo sa araw araw na sistema ko
Mula pag gising at pagtulog, ikaw ang unang hinahanap ko
Nawa ay pahintulutan mo akong makita ang mundo mo
Bigyan mo lamang ako ng pagkakataon, isang pagkakataon
At ipapakita ko na handa akong makinig
Ipapadama ko sayo na kahit ano ka pa, kahit sino ka pa,
Pagmamahal ko ay hindi magbabago simula pa lamang ng makilala kita
Pahintulutan mo ako mahal, at aking ipinapangako
Sating dalawa ay walang magbabago
Dahil alam kong isa ito sa magpapatatag ng ating relasyon
Isa ito sa bubuuin nating pundasyon
Mahal, mahal na mahal kita
Mahal, sino ka nga ba?











