Hindi ko alam kung bakit sa mga nakalipas na araw ito ang aking nararamdaman
Natutuwa, Sumasaya tuwing nakakasama ka
Araw-araw sabik na sabik ika’y makita
Lagi kitang hinahanap sa pagpasok sa eskwela
Minsan nandoon ka, minsan wala
Hindi ko alam kung bakit sa mga nakalipas na araw ito ang aking nararamdaman
Poot, galit tuwing may kasama kang iba
Kapag nalingo’y kitang may kakulitang walang sawa
Naiintindahan kong sadyang mapagpahalaga ka
Hindi ko alam kung bakit sa mga nakalipas na araw ito ang aking nararamdaman
Nalilito, gulong-gulo kung ano ba ito
Pero sana kapag nalaman kong higit ito sa pagkakaibigang inaalay mo,
Maunawaang susubukan kong pigilan ito
Dahil mali, at kalapastangan sa lipunan ang mahalin ang tulad ko na malambot ng isang tulad mong barako.