Malapit na ang Pasko, at wala ka na. Hindi mo na masisilayan ang unti-unting pagsabit ng mga parol at pailaw sa mga bahay sa baryo. Hindi ka na makakalahok sa bigayan ng mga regalo't bati. Hindi mo na maririnig ang kantahan at tawanan ng bawat isang tahanang nagdiriwang. Pinagdiriwang nila ang musika at sayaw. Pinagdiriwang nila ang pamilya at mga mahal sa buhay. Pinagdiriwang nila ang pakikisama at ang pagpapatuloy. Ngayon, ipagdiriwang na rin nila ang iyong buhay.
Malapit na ang Pasko, at ang iyong litrato ay bahagi na ng mga isasabit at ipapaskil. Pag-uusapan ng mga nagmamahal at nagluluksa ang iyong buhay na puno ng kulay at liwanag. Pag-uusapan nila ang iyong buhay na puno ng paghihirap at pagsulong sa kabila ng paghihirap na ito. Sa gitna ng pagtatalumpati't pagdadalamhati, sila ay mananawagan ng isang minuto ng katahimikan sa ngalan mo.
Malapit na ang Pasko, at kahit walang hinihiling na kapalit, nagbigay ka ng isang regalong hindi matutumbasan ng kahit anong salapi ang halaga. Ito ang regalong pag-alay ng buhay at sining sa bayang gutom at api. Hindi man ito nakabalot sa makulay na papel o nakatago sa ilalim ng Christmas tree, ngunit walang katapat ang saya at ginhawa dinulot mo sa kapwa.
Malapit na ang Pasko, at niyayakap na ng lamig ang mga purok. Wala ka na, at kahit ang lupang kababata ng mga punong kahoy ay nagluluksa sa iyong pagkawala. Wala ka na, at iniiyakan ka kahit ng amihang simoy. Wala ka na, at humihiyaw kahit ang kawayanan.
Ngunit sa Pasko may ligaya, at walang kapantay ang ligayang ipinagkaloob mo sa libu-libong iyong pinagsilbihan. Sa iyong tula't kanta ay may ligaya. Sa iyong mga kwento ay may ligaya. Sa iyong buhay ay may ligaya. Ito ay ligayang malalim ang ugat. Ito ay ligayang may kaakibat na pangakong ipagpatuloy ang iyong paglilingkod. Ito ay ligayang may kapasyahang kamtin ang hustisya sa iyong pagkawala. Ito ay ligayang pagpupugay sa iyo. May lungkot man ngayon, ikaw na mismo ang nagsabi: tiyak palagi ang pagbabago.
Alay kay Ericson Acosta, mahusay na artista ng bayan at martir ng sambayanan. Pinaslang noong Nobyembre 30, 2022.
Ang mga kantang binanggit ay: Isang Minuto ng Katahimikan, Balang Araw, Kontradiksyon
Pabalik-balik, hindi mapakali
Naiinip, ‘di mapirmi sa kinalalagyan
Tapik nang tapik, nagmamadali
Hindi na mahintay ang kinabukasan
Noong una’y may pagdadalawang-isip
Nangangamba sa kahahantungan
Tama bang gisingin ang bayang umiidlip
O magtiis at ang pasensya’y habaan?
Ngunit heto nang pinakahihintay ng lahat
Naghahanda na’t pinaplano
Bawat hakbang, kailangang maingat
Dugo’t pawis inialay para rito
Ang mga kamay na nagbubungkal ng lupa
Nagtatanim ng punla ng pag-asa
Pasan sa likod ang hinaharap ng bawat isa
Bakit tila palaisipan ang pag-asenso nila?
Mga bisig na nagbibiyak ng bato
Pundasyon ng matayog na gusali’t pangarap
Bawat pagkabig, may bungang produkto
Ngunit sila mismo’y hindi ito nalalasap
Pabalik-balik, hindi mapakali
Naiinip, ‘di mapirmi sa kinalalagyan
Tapik nang tapik, nagmamadali
Halina’t pukawin ang taumbayan
Mga boses na dumadagundong
Sa puso ng baya'y sana tumagos
Kahit sa banta ng dahas, dila'y di uurong
At ang pag-alingawgaw, hindi natatapos
Nagsama-sama’t nagsanib-pwersa
Nagkapit-bisig at hawak-kamay pa nga
Paniguradong hindi nila inaakala
Maraming nangangahas, laksa-laksa
Pabalik-balik, hindi mapakali
Naiinip, ‘di na magtitiis sa kalagayan
Tapik nang tapik, wala nang pag-aatubili
Makikibaka para sa kinabukasan
I still remember my very first day at school. I was a timid 6-year old that avoided my classmates because I was too shy to approach them. I wanted to sit in the corner but I was too late and someone beat me to it, so I was told by the teacher to just sit in the middle row. I also never shared anything with anyone, because I feared that I would be judged.
I was a really shy child.
13 years later, here I am. I have made friends with my batchmates, and now I am willing to sit anywhere in the classroom.
One thing that I never told anyone is that I have always wanted to overcome my shyness and step up to be a leader. From small groupworks to major projects, I have always wanted to show that I can take action and be there for my classmates in times they need help.
Unfortunately, that never happened.
I wasn’t the best person at anything, there were always people who were better than me. And I, regretfully, grew jealous of them because of the gifts that they have. At one point, I even became angry and I desperately asked myself: “Why can’t I be like them?”
Because of this, I decided to change my goals in life. Instead of being frustrated at everything that I couldn’t reach (literally and metaphorically), I looked at life as something that would give me opportunities when I do good and do well.
High school came. I decided that this was the time I needed to mature. But since I was in that awkward stage where my hormones were changing, I became more quiet. Very quiet. It was so bad that at one point I wouldn't speak to anyone at school except to the employees at the canteen. Because of this, I started to get angry at myself. All over again.
I quickly became hotheaded, and because of that, I had fewer friends, and even became enemies with another friend group. Again, I fell into a spiral: What am I doing wrong? Why am I not being successful? Why am I the worst at everything?
I began to doubt myself, and I knew that it wasn’t healthy anymore.
Then the pandemic happened. I wasn’t able to see any of my batchmates physically. Small talks became more frequent, and I only talked to people whenever we had groupworks or tasks that needed to be done. I got anxious because of this, so when it was announced that face-to-face classes were coming back, I knew I had to step up (for real) and be more confident.
So far, everything has been great, considering we only get to meet once a week. I’ve been catching up with a lot of my friends, and I have been gladly taking the initiative to do tasks (and I do it diligently). I have to say, I am proud of myself, because I would never have done this if I didn’t push myself to do it.
Now that I am graduating high school, I have a new goal to set for myself: to be the best college student I can be. I want to step out of my comfort zone and finally become a student leader. To be honest, I thought long and hard about it, because this would be my first time being part of any student council. I know it might be a disadvantage because of my lack of credentials and the competition that I might be in. But win or lose, I will always be thankful that I took the opportunity to reach my goals.
So what’s the lesson here? Well, change is sometimes good, but it should be for the better. Looking back on who I was before and comparing it to the person I am now, I realize that making the change helped me become more confident in being myself and being with others. I also give thanks to my school for shaping me into being more open-minded in life, and teaching me not to be afraid of whatever comes my way.
Pst, musta ka na? Malamig ba diyan sa Amerika? Ilang buwan na pala ang nakalipas mula noong nag-migrate kayo. Sorry na kung ngayon lang ulit ako nag-send ng email para kumustahin ka. Ang daming pinapagawa ng mga prof ko, ngayon ko lang din na-realize na napakahirap pala maging isang college student. Kung akala natin dati na ang hirap maging isang high school student, iba pala talaga ang level ng stress dito. Alam mo ba muntikan na akong bumagsak noong isang araw? Paano ba naman kasi nakalimutan kong may exam pala kami, buti na lang at kahit papaano, may naalala ako sa lesson kaya sa awa ng Diyos, ayun, nai-survive ko naman. Onti na lang talaga’t magd-dropout na ako sa course ko at maghahanap ng gwapo at mayaman na lalaki para pakasalan! Joke lang pero pwede rin naman, hmm. Oo nga pala, noong nakaraang linggo lang, nakita ko sina Peter at Angela na magkasama’t magkahawak ang mga kamay habang naglalakad. Nalaman ko magjowa na pala sila since last year pa. Akalain mo nga naman ang tadhana, ‘yong mga ex natin ang nagkatuluyan. Tsaka nga pala, naaalala mo pa ba si Tina? Maliit na medyo maputi at masayahin? Kung hindi mo na siya maalala, siya ‘yong naging kaibigan natin noong elementary kaya lang, bago tayo mag high school, lumipat sila sa probinsya kasi nagkasakit ‘yong Lola niya. Pero ‘yon, nag-email siya sa akin kahapon, nangangamusta. Nasabi niya sa akin na nasa Amerika siya kaya sabi ko, “Uy! Si Marcus nasa Amerika rin! Baka magkalapit lang kayo diyan at makita niyo ang isa’t isa.” Kung oo, pasabi naman sa kanya na namiss ko siya :( Huli pa tayong nagkita mga bata pa tayo. Hala! Napahaba na pala ang kwento ko sa’yo, sobra kasi kitang na-miss bilang naging biglaan ang inyong pag-alis. Hindi man lang tayo nakapag-bonding bago ka lumipad papunta sa ibang bansa para may masaya tayong alaala na babaunin mo. Hihintayin ko ang iyong long sweet email para sa’kin kahit gaano pa ‘yan katagal. Mag-iingat ka palagi.
Ang tagal na pala noong huli tayong nakapag-usap, personal man o kahit ngayon na sa email na lang ang ating komunikasyon. Katulad mo, naging busy rin ako rito. Ngayon ko lang na-realize na napakahirap pala mag-adjust sa isang lugar na hindi mo pa masyadong gamay lalo na’t wala kang kakila na pwedeng masandalan. Minsan kailangan mong ilihim ‘yong mga nararamdaman mo dahil wala kang mapagkwentuhan para makahingi ng advice. Hanggang ngayon, wala pa rin akong nagiging kaibigan paano ba naman kasi wala akong mapagkatiwalaan dito. Alam mo na, parang mga plastik kasi ang mga tao rito, wala akong makitang genuine sa pakikipagkaibigan. Uunahan na kita, hindi sa hinuhusgahan ko sila pero iba kasi ang tingin nila sa amin na hindi nila kauri. Nakita ko na may tinulak silang kapwa nila estudyante sa banyo last month dahil lang sa iba ang kulay ng kanyang kutis. Mayroon pa, last week naman ay may binully sila na babae dahil lang sa iba ang kanyang nasyonalidad kumpara sa kanila. Maswerte na nga ata ako’t may lahing Amerikano si Papa kaya kahit papaano ay may pagkakahawig ako sa kanila. Kailan kaya natin makakamit ang lipunan kung saan lahat tayo ay pantay-pantay? ‘Yong tipong walang nasa taas at wala ring nasa baba. Kaya lang naman kasi nagkakaganito ang ibang mga tao dahil gusto nilang umangat at magkaroon ng pera’t kapangyarihan. Teka, medyo napalayo na pala ang usapin natin, hind ko pa nasasagot ang iyong mga katanungan. Malamig dito, pero hindi pa masyadong ramdam bilang hindi pa nagsisimula ang winter season. Isang malaking plot twist sila Peter at Angela, hindi ko ine-expect bilang parang aso’t pusa sila kung mag-away dati.
Baka tama nga ang kasabihan na, “The more you hate, the more you love!” Kaya bumabagsak ka eh, mag-aral ka! Wala na ako diyan para tulungan kang mag-review. Tsaka, walang papatol sa’yo na gwapo at mayaman, hindi ka naman maganda. Sadyang masyadong mataas lang talaga ang iyong self-confidence. Paano ba yan, mauuna na ako’t gabi na, baka ma-late pa ako bukas. Magpakabait ka!
Grabe talaga ‘no? Akala ng lahat na kapag nagpunta ka na sa ibang bansa ay uunlad ka na’t hindi mo na mararanasan ang mga kasamaan na nararanasan mo sa Pilipinas. Kakatapos lang ng Halloween, balita ko ay bongga kayo maghanda diyan. Masaya ba? Ano ang pagkakaiba nila sa paraan ng pagdiriwang dito? Pero saglit lang, anong mataas lang talaga ang self-confidence ko?! Hello? Maganda talaga ako ‘no! Ang daming nagkakandarapa para pansinin ko kaya swerte ka’t kausap at kaibigan kita. Bago ko nga pala makalimutan, malapit na mag-Pasko. Uuwi ba kayo o diyan din kayo maghahanda? Bibigay ko kasi sana ang regalo ko para sa’yong kaarawan tsaka ngayong Pasko kaya tinatanong ko. Ipapadala ko na nga lang sana diyan sa inyo, kaya lang pagkatapos kong malaman na napakamahal pala magpadala diyan, napa- “Aray! Nako po!” na lang talaga ako dahil ubos ang allowance ko para sa isang buwan kung sakali. Naalala ko rin na hindi ko nga pala alam ang address niyo. Pangit naman kung tatanungin ko sa’yo dahil obvious naman na hindi na ‘yon magiging suprise para sa’yo kaya ibibigay ko na lang kapag umuwi kayo para na rin may rason na magkita tayo sa personal. Huwag kang masyadong kiligin na gusto kong magkita tayo, baka lalong lumaki ang ulo mo at i-assume mong type kita. Oh siya, alis na ako’t may field trip kami mamaya. Ingatan ang puso.
Huwag mo akong pagtawanan pero na-culture shock ako. Iba pala talaga sila mag celebrate, masyadong ma-effort at all out. Mula sa mga decorations hanggang sa costume na suot nila pang trick-or-treat. Ang dami ring parties dito, parang bawat bahay ata may laman at ang lakas nung music na pinapatugtog nila. Maraming mga nalalasing na tao sa parties kasi naghahanda rin sila ng alak, hindi lang pagkain ang meron sila. May mga classmates nga ako na nag-invite sa akin bilang “new kid” daw ako, kaya lang hindi ako sumama kasi I don’t drink at baka may mangyari sa akin. Alam mo na, it’s better to be safe than sorry. Tungkol nga pala sa mga regalo mo for me, huwag ka na mag-abala pa. Ikaw naman, feeling ko tuloy ang special kong tao. Napagastos ka na sa pagbili ng regalo, huwag ka na gumastos sa pagpapa-deliver niyan dito sa akin. Mamamahalan ka talaga dahil akala ata nila lahat ng tao ay mayaman. Tinanong ko sina Mama kanina kung uuwi ba kami sa Pilipinas, ang sabi nila ay baka next year pa. Hawakan mo muna ang mga iyan at kukunin ko sila sa’yo kapag nakabalik na kami. Malapit na ang Christmas at New Year kaya advance Merry Christmas at Happy New Year! Huwag kang magpapabaya.
Sobrang late na pala nitong reply ko sa’yo, ang mahalaga ay bumati rin ako sa’yo. Belated Merry Christmas at Happy New Year. Ano nga pala ang nasa New Years’ resolution mo? Ang sa’kin, sana hindi na ako masyadong magtiwala sa mga taong alam ko sa huli ay sasaktan lang din ako. Mahirap din pala kapag masyado kang mabait, sinasamantala nila kasi marunong kang magpatawad at magbigay ng isa pang pagkakataon. Ayan tuloy, napa-hugot ako nang wala sa oras, wala naman akong pinagdadaanan. Ay, bago nga pala tuluyang mawala sa isipan ko, may nag-aya sa akin makipag-date bukas kaya wish me luck. Hindi ako mapakali dahil ito ang una kong date pagkatapos ni Peter. Hindi dapat ito puro tungkol lang sa akin, patawad kung napupunta na sa akin ang pokus nitong email na ito. Hindi rin pwedeng matapos ang email na ito na hindi kita binabati, Happy Birthday! Huwag mo akong kakalimutan.
Maraming salamat dahil naalala mo ang birthday ko’t bumati. Kamusta ang date? Naging successful ba? May second date? Sakto, ilang araw na lang ay Valentine’s na, baka he’ll ask you to go sa isang mamahalin na resto o kaya manood ng movie. Malapit na ang bakasyon, anong plano? Uuwi ba kayong province? Pupunta sa beach? O kagaya noong mga nakaraang summer ay sa house ka lang, naglalaro? Kaya hindi ka nagkakajowa eh dahil puro paglalaro ang inaatupag mo ;) Oo nga pala, tinanong ko si Papa kung okay lang if umuwi kami sa Mayo kahit isang buwan lang para makasama ka, sabi niya pag-iisipan pa raw niya. Sana pumayag, I want to tell you something kasi. Laging titingin sa kaliwa’t kanan bago at habang tumatawid.
Ano ‘yang Valentine’s date na sinasabi mo? Sakalin kaya kita diyan, hindi ko gusto ‘yong tao, hello?! Naawa lang ako sa kanya at nakakahiya mag-no kaya pumayag ako makipag-date. Buti nga’t ‘yon na ang huli eh, kung may isa pa hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa buhay. Sana payagan ka, baka kasi pumunta kaming Boracay sa Mayo at sigurado namang papayag sila Mama na isama ka kung sakali na uuwi kayo. Teka lang, ano ‘yong sasabihin mo at kailangan sa personal pa para sabihin? Pwede mo naman na sabihin dito kasi may gusto rin akong sabihin sa’yo. Parang ang tagal kasi kung hihintayin pa natin na magkita tayo kung sa tingin ko ay pwede naman na natin sabihin sa email. Huwag mong kalimutan na magpakasaya.
Mas maganda kung harap-harapan ko siya sasabihin pero dahil hindi na ako mapakali ay sasabihin ko na rito. I met someone. Naalala mo si Tina? If I remember, in-email ka niya last year, at in-email niya rin ako to catch up. After I found out na one hour lang ang layo namin sa isa’t isa kaya I decided na puntahan siya. And then, naging close kami sa isa’t isa na ‘di namin na-realize na we fell for each other. I admitted my feelings for her bago sumapit ang Pasko at sinabi niya sa akin na she likes me too. Hindi ako makapaniwala na magugustuhan niya ang taong kagaya ko, simple at hindi niya ka-level. Ilang weeks ko siyang niligawan at pagsapit ng Valentine's, I asked her kung pwede na ba maging kami, at sinagot niya ako na kami na. By the way, ano ‘yong sasabihin mo sa akin?
Sasabihin ko sana na gusto kita as an April Fools’ joke, hahaha ! Kaya lang may jowa ka na pala. Baka magselos at awayin pa ako, girl bestfriend ko pa naman na siya. Baka mamaya kalimutan niyo na ako dahil busy kayo sa isa’t isa. Pero, congrats sa inyong dalawa! Opisyal na naka-move on ka na mula kay Angela. Bagay kayong dalawa :)
Hindi ko alam kung paano ko ‘to ngayon sasabihin bilang masyadong awkward pero kasi, gusto kita. Kaya lang mukhang wala na akong pag-asa dahil naunahan na pala ako. Kung tutuusin, matagal na kitang gusto. Bago ka pa pumuntang Amerika ay gusto na kita kaya lang ay natatakot akong umamin sa’yo. Kaya ko lang naman sinagot si Peter noon dahil sinagot ka ni Angela, at siyempre ayaw kong masaktan kaya gumamit ako ng iba para kalimutan ka. Mali ako sa ginawa kong ‘yon pero wala, ang hirap mong kalimutan. Sabi ko pa dati, “Baka ikaw na talaga ang tao na para sa akin dahil kahit anong gawin ko, ikaw pa rin talaga ang tinitibok ng puso ko.”
Huli na nga siguro ang lahat. O baka, sa simula pa lamang, hanggang magkaibigan lang talaga ang magiging role natin sa buhay ng isa’t isa. Wala naman na akong ibang pwedeng gawin kung hindi tanggapin na may nagmamay-ari na sa puso mo, at hindi ako iyon. Siyempre, wala akong balak na ipadala sa’yo ang email na ‘to, kaya habang buhay na ‘to sa drafts ko.