Maghihintay
Nakaupo. Naghihintay. Patuloy na nabubuhay. Hihinga at mananatiling matatag. Sa kabila ng kalumbayan, paninindigan ay di matitinag.
Minsan sa buhay may magmamahal. Madalas tayo ay masasaktan. Ngunit kung ang pag ibig ay totoo, Walang anumang magbabago.
Mga dahon man ay manlagas, O ang bulaklak ay matuyo. Ang puno ay puno, Mananatiling nakatayo.
Kagaya ng pagibig na wagas, Kailanman walang mababawas. Sa galak na nadarama, Sa pagbabalik at muling pagsilay sa iyong mukha.












